Dapat maging malinis sa katawan laban sa Covid19

0
51
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

MGA ’igan malinaw ang advisory ng Provincial Public Health na wala pang naitatalang kaso ng 2019 Novel Coronavirus sa lalawigan ng Bulacan.

Nito lamang nakaraang araw ay inanunsyo o sinabi na may 9 na patient under investigation (PUI) ang kanilang binabantayan kung saan 3 sa bilang na ito ang nag negative sa 2019 Novel Coronavirus o COVID19 habang isa sa kanila ay (PUM) Patient Under Monitoring.

Bagama’t wala pang kaso ng human to human transmision sa Pilipinas, kailangan pa rin ng ibayong pag-iingat ng bawat Pinoy.

Paalala ng Department of Health na ugaliin ang palaging paghuhugas ng kamay, paggamit ng alcohol, at face mask.

Hangga’t maaari ay iwasan ang mga matataong lugar, lalo na kung hindi naman kinakailangan. Posible kasi na sa mga crowded na area magmula ang nakamamatay na virus.

Karaniwang tinatamaan ng coronavirus ay iyong mga mahihina ang imune system dahil sinisira nito ang baga o lungs ng isang tao.

Ilang sa mga epekto nito ay ang mataas na temperatura ng lagnat, pagkakaroon ng ubo at sipon.

Maaaring maisalin ang Covid19 sa pamamagitan ng pag-ubo, pagbahing lalo na kung mabubugahan ng hininga na may virus bukod pa ang tilamsik ng saliva o laway.

Pinapayuhan ang mga may ganitong karamdaman na magtakip ng tuwalya o panyo sa bibig upang hindi kumalat ang virus.

Umapela rin ang ahensya na huwag agad maniniwala sa mga fake News na kumakalat sa mga social media dahil sa kabuuan ay tatlong kaso lamang ng naturang virus ang naitala sa buong Pilipinas na tumama sa Chinese national.

Anila, “think before you click,” twice or more, upang hindi maging biktima ng fake news na ang layunin ay magbigay ng panic at takot sa taumbayan.

Para sa inyong mga reklamo at reaksyon mag-send lamang sa thony.arcenal@gmail.com (RONDA BALITA Online)

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here