Dating Barangay Tanod sa Ilocos Norte, kulong sa pagtitinda ng bawal na gamot

0
192

LAOAG CITY-Kulong ang isang dating Barangay Tanod sa Brgy. Sta. Cruz Sur, Badoc, Ilocos Norte matapos na maaresto sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation nung Miyerkules (Dec. 12) sa naturang lugar.

Kinilala ng PNP-Badoc ang suspek na si Janson Tangonan alyas Daniel, 26 anyos, binata , isa sa mga drug surrenderer sa inilunsad na Oplan: Tokhang noon.

Nakuha mula kay Tangonan ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na hinhinalang shabu, ang buy bust money, mahigit na 5K na cash money ng suspek, at ang motorsiklo nito.

Ayon kay Police Senior Ispector Joseph Tayaban, Hepe ng Badoc-PNP, kung mas napaaga sana ang operasyon nila laban sa suspek ay posibleng mas marami pa ang nakuha nila.

Maaaring nakabenta na umano ang suspek kaya marami itong pera noong time na mahuli nila.

Sinabi ni Tayaban na ang buybust laban kay Tangonan ay inilunsad ng Badoc-PNP dahil sa mga impormasyon na natatanggap nila na ang suspek ay hindi pa rin tumitigil sa pagbebenta ng ipnagbabawal na gamot sa kabila ng pagiging drug surrenderee nito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here