Home News Report Dating chair ng PCGG inaresto ng NBI

Dating chair ng PCGG inaresto ng NBI

155
0
SHARE

TINATAYANG 12 hanggang 20 taon na pagkakakulong ang kakaharapin ni dating Presidential Commission on Good Government o (PCGG) chairperson Camilo Sabio.

Matapos itong arestuhin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation sa pamamagitan ng warrant of arrest makaraang mapatunayan na  guilty sa kasong graft sa maanomalyang pagrenta ng sasakyan noong taong 2007 at 2009.

Ito ay base sa inilabas na sentensiya ng Sandiganbayan kaugnay sa dalawang kasong graft ng 81 anyos na si Sabio.

Public lawyer and past chairman of the Philippines’ Presidential Commission on Good Government Camilo Sabio talks to Media at his residence in Quezon city yesterday as he states his intention to run for the Incoming election for Presidential seat. He said he searches for endorsement from Lakas . (Photo by Michael Varcas) presidentialaspirant_qc_03_varcas_070215

Sa record na hawak ng NBI mula sa  PCGG noong 2007 ay inupahan ang 3 Hyundai Starex, 1 Toyota Altis at isang Toyota Innova  sa halagang P5.93 million sa loob ng 36 na buwan.

Habang noong 2009, isang agency naman ang muling pumasok at kumontrata sa ahensya sa halagang P6.73 million para sa anim na sasakyan.

Nabatid na ng naturang mga sasakyan ay ginamit ni Sabio at ng iba pang opisyal ng PCGG noong sila ang nakaupo.

Bukod dito may apat pang kaso si Sabio sa Office of the Ombudsman noong 2011,dahil sa pumalpak na bidding para sa  proseso ng kontrata kung saan kabilang din sa mga kinasuhan sina PCGG commissioners Tereso Javier, Narciso Nario  Nicasio Conti. At si former Commissioner Ricardo M. Abcede, na namayapa noong  2012.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here