Dating guwardiya sa Mabuhay Manor Hotel, isa sa apat na suspek na tumangay ng P4 milyon

0
405

NATUKOY na ng pulisya ang isa sa mga kawatan na marahas na nanloob sa isang hotel at nakulimbat ang halos may P4 na milyong halaga ng kinita ng naturang establisyamento kabilang ang mga alahas at kagamitan ng mga parokyano noong Enero 2, 2018.

Nakilala ng Pasay City Police Station ang isa sa mga suspek na si Daniel Constantino y Binas na nagkukubli sa mga pangalang “Dave Constantino”, at “Anthony Herrera” na may alyas na “Tonee”, 31 anyos at tubong Molo, Iloilo City.

Nabatid ang pagkaka-kilanlan ng salarin sa pamamagitan ng kuha ng CCTV footage na naka-instala sa loob ng naturang hotel at sa tulong din ng mga empleyado ng establisyamentong ito.

Lumitaw sa imbestigasyon ng mga otoridad na dating nagtrabaho si Constantino bilang guwardiya ng Mabuhay Manor Hotel sa Ortigas St., Pasay City.

Napag-alaman din nila sa kanilang pagsisiyasat na naninirahan si Constantino na malapit lamang sa naturang kompanya.

Nahaharap na sa kasong robbery-in-band, isang kasong walang piyansa si
Constantino gayundin ang tatlo pang mga kasabwat nitong suspek na hindi pa rin nakikilala ng pulisya hanggang sa kasalukuyan. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here