Home National News Dating kapitan na HVT sa Ilocos Sur, nasakote sa Caloocan City

Dating kapitan na HVT sa Ilocos Sur, nasakote sa Caloocan City

137
0
SHARE

CALOOCAN CITY — Nadakip ng pinagsanib na elemento ng Caloocan City police, Regional Intelligence Division ng PRO1 at Provincial Intelligence Branch ng Ilocos Sur ang isang dating Barangay Chairman ng Poblacion Norte, Santiago, Ilocos Sur at itinuturing na High Value Target (HVT) Level 2 nu’ng Martes.

Kinilala ang suspek na si Renato Tengsico alyas Atong, 72-anyos at sinasabing lider ng Tengsico-Cabreros Drug Group.

Base sa report ni NPD Director Police Chief Supt. Gregorio N. Lim, naaresto ang suspek sa pinagtataguan nitong lugar sa sa Unit 1 ng Caldino Apartment, Block 1, Lot 28, Shelter Ville, Brgy. 171, Bagumbong, Caloocan City, Martes ng gabi sa bisa ng arrest warrant galing ng korte dahil sa paglabag sa RA 9165.

Nasamsam sa suspek ang 4 na piraso ng plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na limang gramo at mayroon street value na P20,000.

Ayon sa pag-iimbestiga, sinasabing ang grupo ni Tengsico ay sangkot sa illegal drug trade sa ikalawang distrito ng Ilocos Sur at ng makapagpiyansa nung 2014 ay nagpalipat-lipat na ito ng lugar bago nasakote sa Caloocan City.

Pansamantalang nakakulong ngayon sa Caloocan City Custodial Facility ang suspek bago muling iharap sa korte. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here