Home National News Dating Mayor ng Baliwag, pinakakasuhan ng graft ng Ombudsman

Dating Mayor ng Baliwag, pinakakasuhan ng graft ng Ombudsman

173
0
SHARE

NAHAHARAP sa kasong katiwalian ang dating municipal mayor ng bayan ng Baliwag sa lalawigan ng Bulacan.

Ipinag-utos ng Tanggapan ng Ombudsman na tuluyang kasuhan si dating Baliwag Mayor Carolina L. Dellosa bunsod ng paglabag sa Republic Act (RA) 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act

May kinalaman ang nasabing asunto sa pagbili ng magarang sasakyan na hindi dumaan sa public bidding para diumano’y paboran ang isang partikular na supplier.

Base sa siyam na pahinang dessisyon na kinamada ni Graft Investigation and Prosecution Office 1 Rhey David S. Daway, kinatigan ng Ombudsman ang reklamo na inihain ng isang Reynaldo dela Cruz na nag-akusa kay Dellosa hinggil sa pagbili nito ng sasakyan na hindi dumaan sa tamang proseso.

Nakasaad sa reklamo ni Dela Cruz na nilabag ni Dellosa ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Revised Penal Code nang aprubahan nito ang pagbili ng isang Mitsubishi MIVEC Active Sports Crossover compact utility vehicle sa pamamagitan ng direct purchase.

Nangyari ang procurement sa ilalim ng panunungkulan ni Dellosa bilang alkalde ng Baliwag noong 2013 hanggang 2016.

Iginiit ni Dela Cruz na may iregularidad sa naging aksyon ni Dellosa dahil walang ligal na batayan ang ginawa nitong pagbili ng sasakyan alinsunod sa Republic Act (RA) 9184 o Government Procurement Reform Act.

Batay sa reklamo ni Dela Cruz, sinabi nito na “She also approved the purchase order for the subject vehicle from Freeway Motor Sales of Baliuag Corp. in the amount of P1,198,000 and then signed the disbursement voucher for the same. Consequently, the corresponding vehicle invoice was issued, after which the Municipality of Baliwag accepted the subject vehicle.”

Ipinipilit ni Dela Cruz na may iregularidad daw sa naging aksoyn ng dating alkalde dahil umano sa walang legal na batayan ang ginawa nitong pagbili ng sasakyan alinsunod sa Republic Act 9184 o Government Procurement Reform Act.

Bagama’t nag-isyu ng resolusyon ang Bids and Award Committee ng lokal na pamahalaan na nagbibigay ng awtorisasyon sa pagbili ng sasakyan ay lumilitaw na napaboran diumano ang Freeway Motor Sales na nag-iisang distributor ng Mitsubishi Motors sa Baliwag.

Hindi rin ipinaliwanag ng BAC Resolution kung bakit kailangang idaan sa direktang pagbili ang diskarte ng procurement.

Pinahihintulutan lamang ang direct procurement kung mapapatunayan na liyamado ito sa panig ng gobyerno.

Ayon pa sa resolsuyon ng Ombudsman, may probable cause para kasuhan si Dellosa ng paglabag sa anti-graft and corruption law dahil minadali nito ang pagbili ng sasakyan at pinaboran ang Frereway Motor Sales.

Sa nasabi ring desisyon ng Ombudsman ay ibinasura naman ang kasong malversation na inihain din ni Dela Cruz laban sa dating alkalde. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleSM leads San Jose Del Monte’s top taxpayer
Next articleNewspaper Edition: RONDA Balita vol. 4 blg. 25
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here