Home National News Dating pulis na konektado sa criminal group, arestado sa Batangas

Dating pulis na konektado sa criminal group, arestado sa Batangas

103
0
SHARE

BATANGAS CITY — Matapos ang may 14 na taong pagtatago, nahuli na ang isang dating pulis na pinaniniwalaang may mga koneksiyon sa isang malaking criminal group sa sa Calabarzon.

Kinilala ang suspect na si PO2 Mark Anthony Bugayong na inaresto mismo sa kanyang bahay sa Barangay Libjo. Nakalista si Bugayong sa “wanted” list ng pulisya dahil sa ilang kaso.

Bukod sa kasong murder, sinampahan na rin ng malversation of public property ang suspek dahil sa service firearm na hindi niya isinauli nang biglaang hindi na mag-report sa opisina.

“Incidentally, isa siya sa dalawang PNP member ng isang malaking criminal gang in the entire region,” ani Supt. Sancho Celedio, hepe ng Batangas City police.

Iitinanggi naman ni Bugayong ang mga paratang sa kanya pero ayon sa kanyang salaysay, nagsisilbi lamang siyang security escort ng isa sa mga lider ng grupo noon.

Source: ABS-CBN News

SHARE
Previous articleThe Orange Bucket opens 3rd branch in Plaridel, Bulacan
Next article2 lolang ‘nagtangkang manuhol’ ng mga pulis, kalaboso
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here