Dating spokesman ng Bayan Muna, itinumba sa Naga City

0
66

NAGA CITY — Patay sa pamamaril ang dating spokesman at regional head militanteng grupong na Bayan Muna nitong Lunes ng umaga habang papasok siya sa kanyang trabaho bilang staff member ni Camarines Sur Vice Governor Ato Peña sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay regional police spokesperson Police Major Malou Calubaquib , ang biktima ay kinilalang si Neptali Morada, 45 na binaril ng suspek habang sakay sa isang puting sasakyan sa Barangay San Isidro dakong ala-7:00 ng umaga.

Nabatid na si Morado ay papasok sa kanyang tanggapan sa Naga City proper nang barilin siya.

Ang mga police investigators ay nakadiskubre ng anim na empty shells sa lugar nang pinangyarihan ng krimen.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang alamin ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo sa pagpatay.

Si Morada ay pangatlong biktima sa mga aktibistang pinapatay sa lalawigan ng Bicol sa loob ng araw. Nung nakaraang June 15, ang mga human rights activists na sina Ryan Hubilla and Nelly Bagasala ay pinatay sa Sorsogon City ng hindi pa nakikilalang salarin.

Source: tnnphilippines

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here