Davao Mayor Sara pinili ang pamilya kesa senadora

0
346

WALANG planong kumandidato sa pagka-senador si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio pero inendorso nito sa libo-libong mga overseas Filipino worker sa Hong Kong sina Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson at dating senador na ngayo’y Taguig City Rep. Pia Cayetano para suportahan sa May 2019 senatorial elections.

Nagtungo ang alkalde sa Hong Kong nitong katapusan ng Linggo kaugnay sa aktibidad ng ‘Tapang at Malasakit’ sa mga OFW.

“Hindi ko kayang iwanan ang mga anak ko. ‘Yun din ang reason kung bakit hindi ako tatakbong senador. Pero meron akong i-endorse sa inyo, nandiyan sina Asec Mocha Uson at Pia Cayetano, sila ang ilagay nating mga senador, let’s vote for them as senators,” ani Mayor Duterte.

Nagpasalamat naman si Uson sa pag-endorso sa kanya ng anak ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte subalit sa ngayon anya ay trabaho muna ang kanyang tututukan.

Naniniwala si Uson na ang pagtuntong anya sa mas mataas na posisyon ay kagustuhan ng Diyos.

Kabilang sa mga sumama kay Mayor Sara sa Hong Kong para suportahan ang pagsusulong ng ‘Tapang at Malasakit’ sina Uson, Taguig City Mayor Lani Cayetano, Ilocos Norte Governor Imee Marcos at Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary for Legal Affairs and Priority Project Atty. Karen Jimeno. (ABANTE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here