DE Alcantara at ADE Ramos, Batman and Robin ng Bulacan 1st DEO

0
469

MAGKATUWANG na ipinapatupad ang mga pagawain na may kinalaman sa kalsada, tulay, eskwelahan at iba pang mga mahahalagang proyekto para sa ikagaganda ng lalawigan ng Bulacan partikular sa Bulacan 1st District Engineering Office, tila walang kapaguran ang dalawang mamang ito na tinagurian kong Batman and Robin ng DPWH Bulacan sapagkat ang kanilang tandem ay SWAK na SWAK para pamunuan ang Unang Distrito ng DPWH Bulacan.

Ang tinutukoy ko ay walang iba kundi ang dalawang mataas na pinuno ng Bulacan 1st DEO, si District Engineer Henry Alcantara at Assistant District Engineer Aris Ramos.

Si DE Alcantara ay mag iisang taon ng pinuno ng Bulacan 1st habang si ADE Ramos naman ay matagal ng pangalawang pinuno ng ahensya.

Nang magsimulang mag tandem ang dalawa ay kabi-kabila ang mga naging pagawain ng DPWH sa Unang Distrito, dahil nga sa very smooth ang samahan ng dalawang mataas na pinuno ng ahensya kung kaya mabilis na naisasakatuparan ang mga makabuluhang proyekto ng DPWH sa Bulacan.

Kahit kailan ay hindi naantala ang mga pagawain ng Bulacan 1st dahil sa mabilis na proseso ng mga dokumento dahil nga sa pagtutulungan ng dalawang mataas na pinuno ng DPWH isama na natin ang mga taong nasa likod ng kanilang panunungkulan.

Hindi nga ba may kasabiham tayo na kapag maganda ang samahan ng mga namumuno, walang abala o aberya sa paghahatid ng mahahalagang proyekto sa ating nasasakupan.

Ganyan ang samahan ng tinagurian kong Batman and Robin ng Bulacan 1st kung kaya asahan pa ng mga taga Unang distrito ang patuloy na mga pagawain ng DPWH na lalung magpapaunlad at magpapagaan sa buhay nating mga Bulakenyo. Mabuhay si DE Alcantara at ADE Ramos.

*****

Engr. Pogs, napakagaan kausap

Una kong nakilala si Engr. Edgardo “Pogs” Pingol ng minsang isama ako ni yumaong kaibigang Ram Barcelona. Napakadalang kong mapunta ng Bulacan 2nd District Engineering Office dahil sa malayo ang kanilang tanggapan sa Sta. Maria, Bulacan.

Pero nung makilala ko si Engr. POGS na siyang pinuno ng Maintenance ng DPWH Bulacan 2nd DEO at nang magkakwentuhan kami, napakagaan kausap ni Engr. Pogs, siya ang nakilala kong may magandang aura sa mukha kapag kausap mo siya, palaging nakangiti, his one person with a thousand smile on his face, kaya ang sabi ko sa sarili ko, mukang madadalas na akong mapunta sa Bulacan 2nd District Engineering Office lalu na sa opisina ng Maintenance kahit na sabihin pa na medyo may kalayuan ito kung manggagaling ka ng Malolos.

Napag-alaman ko rin na si Engr. POGS ay taga Guiguinto, Bulacan, kaya naman napakahusay at napakagaling na inhinyero itong si Engr. Pogs, di ba nga sabi ni Mayor Boy Cruz, kapag sa Guiguinto ko nanggaling, tiyak na ikaw ay magaling. (RONDA BALITA Online)

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here