DE Alcantara, ipinagmamalaki ng mga kawani sa 1st DEO

0
150

MARAMI sa mga kawani ng Bulacan 1st District Engineering Office ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang ipinagmamalaki ang kanilang bagong District Engineer sa katauhan ni Engr. Henry Alcantara.

Buwan ng Agosto ng maitalaga si DE Alcantara bilang Officer in Charge ng Bulacan 1st DEO pero malaki na ang itinaas ng performance rating nito kaysa sa panahon ng nakaraang district engineer.

Sa pamumuno rin ni Alcantara bumilis ang pagtatrabaho sa mga proyekto at binigyan

District Engr. Henry Alcantara, Bulacan 1st District Engineering Office

niya ng pagkakataon ang kanyang mga tauhan na maipakita ang husay ang galing sa paghawak ng mga proyekto.

Naipakita rin ng bagong district engineer ang kanyang dedikasyon na pamunuan ang 1st District Engineering Office at kilalanin na isa sa mga maayos na District Engineering Office sa buong rehiyon.

Nung nakaraang pagdiriwang ng kanilang Christmas Party ay may ilang kawani ang nakahuntahan ng inyong lingkod ang nagsabing ibang klase daw na district engineer si Alcantara.

Noon lang daw sila nag-Christmas Party ng ganon ka-garbo at kasaya. Bumabaha ng maiinom at pagkain. Lahat ng mga empleyado ay walang umuwing luhaan. May bitbit na sako ng bigas, grocery, mga appliances at maami pang iba.

At nasaksihan mismo ng inyong lingkod ang saya sa mga mukha ng bawat empleyado ng 1st District Engineering Office.

“Lalahatin ko na ang mga naging district engineer dito pero si DE Alcantara lang ang nakagawa ng ganito sa kabila ng apat na buwan pa lang siya sa puwesto,” ani ng isang matandang empleyado.

Ilan na ring district engineer dito sa 1st DEO ang aking kilala at mga kahuntahan ko ng madalas at masasabi ko na may galing at karisma itong bagong DE.

Nakikita ko sa kanyang ang pagpapahalaga sa mga empleyado mula sa maliit na kawani hanggang sa matataas ang katungkulan.

Laging prayoridad kay DE Alcantara ang kapakanan ng kanyang mga tauhan kaya ganun na lamang kung kanyang pahalagahan ang mga ito.
Kaya hindi nakapagtataka na laging may ngiti sa labi ang mga kawani sa 1st DEO at yun dahil sa pamumuno ni DE Alcantara.

Kaya saludo sa iyo DE Alcantara ang pitak na ito.

DE Alcantara salamat din po sa suporta na iyong pinagkakaloob sa aming samahan ang Bulacan Press Club.

Lagi kang andiyan para suportahan ang aming mga proyekto.

Hanggang sa susunod na isyu po ng RONDA Balita, ang lingguhang pahayagan ng masang Bulakenyo.

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news.

Babu!

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0917 205 3350. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here