Home Kakampi Ng Masa Debate sa pagka-gobernador, magandang halimbawa sa mga kabataan

Debate sa pagka-gobernador, magandang halimbawa sa mga kabataan

39
0
SHARE
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

MARAMI ang natuwa sa naganap na debate sa pagitan ng tatlong kandidato sa pagka-gobernador sa Lalawigan ng Bulacan.

Dahil ipinakita ng mga ito ang pagka-maginoo, kung gaano kahalaga ng kanilang presenysa sa imbitasyon ng simbahan na dinaluhan ng libong bilang ng mga Bulakenyo.

Malinaw na magandang halimbawa ito sa mata ng mga mamamayan partikular sa mga kabataan o ‘yung mga bagong salin-lahi.

Bagama’t hindi ko lahat napakingan ang kanilang mga pahayag sa anim na mga tanong ng bayan, kitang-kita ang tuwa ng mga dumalo sa debate diyan sa bayan ng Bocaue.

Sa maikling sandali ang panonood at pakikinig ng audio sa video na na-upload ni G. Shane Frias ng PIA, dama ng lahat ang bawat bigkas ng mga kataga ng bawat kandidato.

Una kong nadinig ang sinabi ni G. Ocampo na kailangan daw maglagay ng tunnel na tatagos sa bundok ng Siera Madre para daw mabawasan ang kahirapan ng mga Bulakenyo at ng bansa.

Sa pamamagitan daw nito’y lalakas ang ekonomiyakung saan inihalimbawa pa nito ang bansang Singapore na isang maliit na bansa pero umunlad na umani ng palapak sa iilan.

Ilang minuto pa ang lumipas sumunod na tinawag si Vice Gov. Fernando kung saan marami na daw silang nagawa ni Gov. Alvarado sa pagpapaangat ng ekonomiya subalit kulang pa kaya kailangan itong maipagpatuloy,

Umani ito ng palakpakan at papuri mula sa kanyang mga kaalyado.

Sumunod naman na tinawag si G. Agila Natividad at dito’y hayagan niyang tinuran sa harap ng mga Bulakenyo na may magandang ekonomiya ang hatid ng International Airport na nakaplanong gawin sa bayan ng Bulakanat ang North Rail Project subalit kailangan pa ng malalim na pag-aaral dahil sa traffic na posibleng idulot nito sa hinaharap.

Gayunman aniya, kung sama-sama sa adhikain ng pagpapa-unlad ang ating mamamayan ay walang imposible na kaya itong tugunan ng pagkakaisa.

At dito’y umani rin ng mas maingay na palapak at may sigawan pa kung saan pinuna ng mga organizer ang ingay na ito at sinabing patapusin muna ng mga bisita bago maghayag ng kanilang mga damdamin.

Sa pagkakataon na yon mga ‘igan, kung pagbabasehan ang audience impact sa isyu ng ekonomiya walang duda may nanalo na sana at ito ay pabor kay Mayor Agila Natividad.

Sa isang banda, mahaba pa ang kanilang mga laban at marami pang magiging kaganapan.

Sa maikling sandali ng aking panonood sa mga videos ay kitang-kita ang pagiging maginoo ng bawat aspirante sa pagka-gobernador na handa nilang paglingkuran ang ating Inang Bayan.

Mga ‘igan, sa mga nagtutungaling mga kandidato, matunog ang mga pangalan nina Agila Natividad ng Bulacan at Peoples Governor Fernando

Abangan natin sa mga susunod na kabanata. Pasensya na mga Kakampi at medyo super busy sa dami ng trabaho.

Para sa inyong mga reklamo at reaksyon mag send lamang sa thony.arcenal@gmail.com (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here