Home El Tirador Demolition ng mga kabahayan sa Caloocan, nasindikato?

Demolition ng mga kabahayan sa Caloocan, nasindikato?

419
1
SHARE
An opinion column of Roberto Illut

MAY SINDIKATO umanong nagmamaniobra sa likod ng marahas na pagpapa-demolish ng mga kabahayan nang daan-daang pamilya sa isang lote sa Bagumbong Dulo sa Barangay 171 sa Caloocan City.

Ito ang natanggap na impormasyon ng inyong lingkod mula sa mga kaawa-awang residente sa nabanggit na komunidad kung saan nagpupuyos sa galit at tumatangis sa pag-iyak ang mga ito nang kanilang ibulalas ang namamayagpag na sindikato na hinuthutan sila ng pera bilang pambayad nila sa lupa na kinatitirikan ng kanilang mga bahay.

Kaya naman, umaapela ngayon kay Pangulong Rodrigo R. Duterte ang samahan na Brilliant View Phase II Neighborhood Association, Inc. at ang lahat ng mga nabanggit na residente na paimbestigahan ng Pangulo ang naturang sindikato namamayagpag sa tiwaling kalakaran nito laban sa mga kapus-palad na mamamayan sa nasabing lungsod.

Inilahad ng naturang mga residente na may tunay na may-ari ng lupang kinatitirahan ng kanilang mga tahanan ay itong Hermenegilda M. Eparwa (Maria Christina na may code na 7777-4) at bigla na lang sumulpot sa nasabing lugar na Stoneshenge Estate and Financing Corporation.

Matatandaan na noong Hunyo 5, 2018 ay walang awang pina-demolish ni Sheriff Ferdinand N. Santos ng Caloocan City ang mga kabahayan ng naturang mga residente kaya nagmistulang mga basang sisiw ang mga paslit at matatanda matapos na lubusan silang mabasa dulot ng malakas na pagbuhos ng ulan hanggang gabi.

Bunsod ng nasabing demolisyon ay maraming mga kabataang mag-aaral doon ang hindi nakapasok sa eskwelahan dahil wala na silang tirahan at pinutulan pa sila ng koneksiyon ng kuryente.

Ito’y sa kabila ng mahigpit na mandato ni Pangulong Duterte na hindi dapat ipatupad ang demolisyon sa mga kabahayan ng ating mga kababayang mahihirap na Pinoy, hangga’t walang matino o maayos na relokasyon o malilipatang bahay ang mga ito pero patuloy pa ring tinatapakan ang mga karapatang-pantao ng mga ito ng mga naghaharing uri na kapitalista sa bansa.

Gayunman, naniniwala pa rin ang mga nasabing residente kay Presidente Duterte na tunay nitong mahal ang mga ordinaryong mamamayan na didinggin ang kanilang mga karaingan dahil malaki ang paggalang nila sa kanya bilang “Ama” ng ating pinakamamahal na bayang Pilipinas. (RONDA Balita Online News)

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here