Home Kakampi Ng Masa DepEd Bulacan bulag sa immoral na gawain ng ilang mga guro?

DepEd Bulacan bulag sa immoral na gawain ng ilang mga guro?

778
3
SHARE
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

KAMAKAILAN mga ’igan, nagsadya sa tanggapan ng Bulacan Press Club (BPC) ang isang nanay at kanyang idinulog ang matinding pambu-bully na sinapit ng kanyang 15-anyos na dalagita sa kamay ng guro nito diyan sa bayan ng San Ildefonso.

Nag-ugat umano ang pangbu-bully ng guro ng pagbawalan ng ina ng bata  ang kuya nito sa bawal na pagmamahal sa guro kahit pa alam nito na siya ay pamilyadong tao.

Ikinagalit daw ng guro dahil naudlot ang bawal nitong pag-ibig sa tiyuhin ng kanyang estudyante.

Marahil ang naging ganti ng guro sa ginawa ng kapatid ng kanyang lover ay  pinagbalingan nito ang pamangkin ng kanyang jowa kaya’t marami umanong pangit na salita na umano’y yumurak sa reputasyon ng dalagita.

Kaya ang resulta dahil sa sobrang sama ng loob at kahihiyan na dulot ng ginawa ng guro ay hindi na pumasok ang dalagita.

Nagsampa ng reklamo sa Provincial Office ng DepEd ang ina ng menor-de edad ngunit makalipas ng halos isang taon ay na dismiss ang kaso dahil wala naman daw sapat na ibidensya.

Malupit ang tadhana para sa mag-ina upang makamit ang hustisya, dahil maging ang Division ng DepEd Bulacan ay mistulang kunsintidor at bulag sa katotohanan sa usapin na may kaugnayan sa bawal na pag-ibig.

Ang batas ng cyberbullying gamit ang social media account ng ibang tao ay malinaw na basehan lalo pa nga at mapanira ang mga pahayag nito patungkol sa isang indibidwal lalo’t higit na menor de edad ang sangkot na naging dahilan ng paghinto nito sa pag-aaral.

Ayon sa ating mga nasagap na impormasyon tungkol sa nasabing guro, kilala daw itong bengador at hambog sa kanyang mga nakakalaban o kaaway dahil madalas na bukambibig nito na malakas siya sa pamunuan ng DepEd Bulacan at sa Region kaya hindi siya kayang banggain ng sinuman.

Aba, kung makatotohanan ang kanyang mga sinasabi, isa lang ang ibig sabihin nito, may matibay na padrino ang guro. Alam kaya ito ni Dr. Alip?

Sana lang po ay hindi totoo ang pagyayabang na ito ni Ma’am sa kanyang mga nakakaaway, dahil maliwanag pa sa ihi ng manok na maaaring ang lahat ng kapalpakan at anomalya ng mga guro ay pagtatakpan lamang ng mga opisyal ng DepEd Bulacan.

At kung ganito nga ang mangyayari, malinaw rin na nagaganap nga ang mga imoral sa mga eskwelahan pribado man o pampubliko na dapat sana ay pinagmumulan ng magandang asal ng isang estudyante.

Sa ganitong mga pangyayari dapat ay may managot sa trauma na inabot ng  dalagita na nahinto na sa pag-aaral.

May isang kaso pang idinulog ang isang ginang mula naman sa bayan ng San Rafael.

Isang batang lalaki na­man ang sinagasaan ng lalaking lulan ng single na motorsiklo.

Mantakin nyong inutusan ang bata na magnakaw ng bakal sa construction site sa bypass sa bayan ng San Rafael at ng hindi sumunod ang bata ay tinakot ito at binangga ng motor.

Una nang pinaabot ng pamilya ang reklamo sa DSWD ng San Rafael pero hindi sila pinansin dahil aksidente daw ang nangyari at walang pananakot.

Muli, dismayado si nanay dahil hindi siya nakahingi ng kahit payo man lang kaya nagpa-blotter siya sa barangay subalit hindi rin ito pinansin sa halip ay tinakot pa silang mag-ina ng mamang malupit.

Inilapit rin sa DepEd ang nangyari sa anak subalit na-dismiss rin dahil kulang din daw sa matibay na ebidensya.

Kung ganito lagi ang mangyayari at hindi mabibigyan ng sapat na hustisya ang mga problema ng mga dumudulog sa kanilang opisina, mas mabuting sibakin na lamang sa kanilang mga pwesto ang mga tiwali at tamad na kawani nang gobyerno.

Para sa inyong reklamo at reaksyon mag-send lamang sa thony.arcenal@gmail.com

3 COMMENTS

  1. sana nagsagawa po muna kayo ng inbestigasyon pumunta po kayo dito sa amin lugar ang mAG INA PO NA MELANIE CORREA QUIZON ay broken family pareho silang may mga kinakasama ang ina ng bata maka ilang lalaki na ang dinisplay at umasawa kasama pa ang mga anak sa mga naging kasintahan at mga ka relasyon , tanugin ninyo panganay na anak at mga kapitbahay at kaibigan at sya mismo , hindi natin pwede ibaling sa iba ang kanilang kasalanan.ano background check ng magulan at ibentang niyo sa dept.ed marami kayong dapat isalang alang kaya si President DUTERTE galit sa inyo mga local media sa dahilang nagbabalita ganyang sitwasyon marami kayong nalalaman na higit pa ngunit ayaw niyo ilagay sa ads hanggat ito ay di naman nababayaran

  2. natutugaygayan namin pamumusit ng dati kong kaibigan kaya kami ang nakaka alam ng lahat ng kanyang pinaggaawa ang official po ng dep.ed mga abogado iyan hindi po basta basta iyan mag dedesisyon ng ganyan tama lang po sila . lalo na ang mga fiscal . si ate lanie nga po walang bukambibig ipagmalaki mga pulitiko kaniyang kailala at mga fiscal maging sa aming lugar . Hwag po ninyong itaya ang iyong istasyon at pangalan sa tao na iyan dahil ang hangad niya masira at makapanira mga pinsan po nga niyan naghihiwalay ang mag aswa at hanggang ito ay nag aawayan sa kapatid po DAISY CORREA ALMACEN , maging sa Eric Correa niyang kapatid . Maruming Tao at hangad makalamang ng kapwa hindi po siya masaya sa buhay niya at wala po kasiyahan kasi iyan ang gusto niyang buhay sira ang kanyang buhay at madami pa siyang sisirain , Isa pa saking nalaman ang ginawa paninira kay ALDEN CORREA FRANCISCO NAGHIWALAY PO SILA NG KANIYANG ASAwa

  3. GOOD DAY , i can read this article exactly that is fabricated by Melanie Quizon, You Know why?. the problem of his only girl , from her own family its not true nag karoon ng corruption of minor dahil mula sa kaniyang magulang ay imoral ang gawain at maging ang anak niya kilala sa mahilig sa mga lalaki magtanong kayo sa mga kabataa n lalot sa kaniyang kamag aral na kung saan iyan ay kilala sa d pagpapasok at nakikita kung saan saan kasama ng mga ibat ibang lalaki at babae at mag dadahilan na may sakit mismong mga tita at tito nakikita ang gawain doon lang sa may malapit sa forest lake cemetery sa san juan ay pagala gala maging 7/11 nakikijaming nakikita na may kaakbay e review nyo cctv ng 7/11 from na nagbukas po ito makikita din ang mga ito maski ang ian ng bata na si Melanie, marami nais na manira at sumira sarili nga po ng mag pamilya na yan nagbibilang ng mga asawa mula sa ama hanggang sa mga kapatid babae man at lalaki mag interview po kayo . taas kilay lang po ng nakabasa ng article ninyo alam na pera pera kya na publish . hindi po lahat ay kwento lang kami ng sambayanan ang nakakaalam

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here