Home Sumbungan Ng Bayan Depensa ng Pilipinas, Mahina nga ba?

Depensa ng Pilipinas, Mahina nga ba?

355
0
SHARE

PAGKATAPOS  ng ilang buwan ding bakbakan sa Marawi City sa pagitan ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas at ng Maute Group, bumalik na sa kani-kanilang kampo ang mga sundalo na kung saan ay pinababalik na rin umano ang karamihan sa mga residente ng naturang lugar upang harapin ang panibagong bukas.

Bilyong pisong budget ang kakailanganin para bumalik na muli  umano ang magandang kaanyuaan ng lugar bunga ng mga nasirang mga establishment at ng mga imprastraktura na nagmistulang ‘ghost area’.

Magugunita na sa naturang digmaan, marami ang nasugatan at marami ding napatay sa magkabilang panig gayundin ang mga inosenteng mamamayan duon habang ang iba naman ay nagsilikas sa lugar upang kahit papaano ay mailigtas nila ang kanilang buhay.

Parang pelikula lang hane po, matapos ang girian at putukan, eto balik na umano ang kapayapaan sa lugar subalit hindi naman natin nalaman kung tapos na nga ba ang giyera o kung sino ang nanalo sa digmaan. Ano na nga  ba talaga ang layunin ng Maute Group para kalabanin ang gobyerno?

Napakarami ng hukbong sandatahan o Philippine Army ang ipinadala sa Marawi ngunit hindi nila totally nagapi ang kampo ng Maute Group? Hindi kaya mahina umano ang depensa ng Pilipinas? Papaano na kaya kung ibang bansa na ang kumalaban sa atin?

*****

PORMAL  na hinirang bilang bagong Nueva Ecija Provincial Police Director si PSSupt. Eliseo Talata Tanding, isang PNPA Tagapamayapa Class ’90 na tubong La Trinidad Benguet, Bago pa man nahirang sa kasalukuyang puwesto ay naging hepe muna siya ng Logistics sa Kampo Crame.

Pinalitan sa pwesto ni Tanding  ay si Police Senior Supt. Antonio Yarra na maaring humawak ng mataas na posisyon sa PNP na ayon sa simpleng seremonya kamakalawa lamang ay binigyan diin niya na lalu pa niyang paiigtingin ang nasimulan ng kampanya laban sa anti-criminality campaign , paglilinis sa kanyang bakuran ng tiwaling mga pulis at pangalagaan ang imahe nito.

Congrats po…. Col. Tanding…Welcome to Nueva Ecija!

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here