‘Di po tanga at boba ang anak ko’ — Sharon

0
205

ANI Sharon Cuneta sa mga bashers ni Frankie Pangilinan “Wala kaming inuurungan basta tama.”

Hanggang ngayon ay wala pa ring tigil ang mga bashers ni Kakie mula nang umapela ang 19 years old na anak nina Sharon at Sen. Kiko Pangilinan na wag i-blame sa mga kababaihan na kaya raw nari-rape ay dahil sa pagsusuot ng mga maiigsi o seksing pananamit.

Ayon kay Megastar, very proud siya sa kanyang anak dahil hindi raw eto tanga o boba dahil ang tapang daw nitong makipaglaban para sa tama.

“Di po tanga o boba ang kahit sinong anak namin. Lahat sila mula kay KC, Miel at Miguel ay palaban basta nasa katwiran,” post ni Shawie sa kanyang socmed.

Dugtong pa ng singer-actress,  “Wala pong nais na awayin si Kakie. Pero ipaglalaban niya ang mga babaeng binabaligtad pa kahit sila na ang nabiktima at nagdurusa.

“Anak po yan ni Kiko. Pero tandaan niyo – ANAK KO RIN SIYA. Malakas ang lahing Katipunera (mga Lola ko) at Guerilla (Tatay ko) ang nasa dugo namin.

“Wala kaming inuurungan basta tama ang pinaglalaban. I am proud that Kakie is my daughter. What a shame if she weren’t a warrior like her dad and mother are, and her lolo and great-great grandmothers were! Siya ay aking anak.” (RONDA BALITA Online)  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here