Home News Report Digong ipinuwesto mga PNoy, Gloria appointees

Digong ipinuwesto mga PNoy, Gloria appointees

221
0
SHARE
New Comelec Chairman Sheriff Manimbayan Abas & ERC Chairwoman Agnes Devanadera 

MAY itinalaga na si Pangulong Rodrigo R. Duterte sa mga nabakanteng puesto nang nagbitiw na si dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Jose Andres Bautista at ang sinibak na si dating Energy Regulatory Commission (ERC) Chairman Jose Vicente Salazar.

Itinalaga ng Pangulo si Commissioner Sheriff Manimbayan Abas bilang bagong pinuno ng Comelec na may petsang Nobyembre 22 ang appointment at magtatagal ito sa puwesto hanggang Pebrero 2, 2022.

Si Abas ay pamangkin ni Mohagher Igbal, chairman ng peace panel ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nakikipag-usap sa pamahalaan.

Hindi natapos at nagbitiw si Bautista  sa Comelec dahil sa mga kontrobersiyang kinalaman diumano sa malaking halaga ng salaping itinago nito.

Si Abas ay pamangkin ni Mohagher Igbal, chairman ng peace panel ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nakikipag-usap sa pamahalaan.

Samantala, kontrobersiyal naman ang pagkakatalaga kay dating Solicitor General at Justice Secretary Agnes Devanadera bilang bagong chairman ng ERC.

Nobyembre 22 din ang petsa ng appointment paper kay Devanadera at magtatagal ito sa puwesto hanggang Hulyo 10, 2022.

Una siyang itinalaga bilang Solicitor General ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2007 pagkatapos ay ginawang Acting Secretary ng Department of Justice (DOJ) matapos maospital ang noo’y Secretary Raul Gonzalez.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here