Home Showbiz Dimples Romana’s hilarious memes, viral sa socmed

Dimples Romana’s hilarious memes, viral sa socmed

223
0
SHARE

VIRAL sa online world ang mga ginawang hilarious memes ni Dimples Romana a.k.a. Daniela Mondragon sa Kadenang Ginto ng netizens.

Grinab ng netizens ang picture ni Daniela kung saan ang suot niyang dress ay kulay red. Nilagyan ng kwento at kung saan-saang programa at lugar siya napupunta. Pinalitan ng netizens ng photo ni Dimples ang mga original photos ng mga artista.

Tulad na lang ng poster ng movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, ang ‘Hello, Love, Goodbye.’

Naaliw si Dimples sa ginawang hilarious memes ng netizens kaya pinost din niya ang mga eto sa kanyang socmed. Pero, humingi siya agad-agad ng sorry kay Kath nang matabunan niya ang mukha ng young actress sa poster at siya na ang nginingitian ni Alden.

Sa caption ni Dimples, “Just saw this from @ericjohnsalut hi @bernardokath @aldenrichards02 congrats on the movie! And I love love love you both! Pasensya na kay #OhDani #Daniela kung San San kasi ako pinapapapunta ng mga netizens eh umabot pako tuloy sa poster nyo #HelloLoveGoodbye.”

Nakarating din si Dimples sa official facebook page show ni Raffy Tulfo. Nilagyan ng netizens na nagpa-file na ng complaint si Daniela para kay Romina a.k.a Beauty Gonzales, ang mortal enemy niya sa KG.

Maging sa GMA-7 ay nakarating si Daniela, kaya sabi ng netizen, “Nagtagumpay nanaman si Dani Gurl!. Kaya Pala Napapabayaan niya ang Camila Sardines!.. Ang layu-layo na ng narating mo!..We’re all so proud of you!”

Pinasalamatan ni Dimples ang mga gumawa ng memes base sa character niya bilang si Daniela. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleAnak ni Neil Arce best man sa kasal nila ni Angel
Next articleCoco Martin muling tatapatan ang movie ni Vice sa MMFF 2019
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here