Disiplina sa pagtatapon ng basura, panawagan ng Ecowaste Coalition ngayong Holiday Season

0
1298

NANAWAGAN sa sambayanang Pilipino ang EcoWaste Coalition na pairalin ang disiplina sa wastong pagtatapon ng mga basura sa pagdiriwang ng nalalapit na araw ng Kapaskuhan ngayong Disyembre at sa Bagong taon na 2018.

Binigyang-diin ng naturang waste and pollution watch group sa isang pagtitipon sa Quirino Elementary School (QES) sa Quezon City na ang tone-tonelada na tinawag nitong “Holitrash” kapag hindi napangasiwaan

ng maayos ang mga basura sa bawat tahanan at kompanya ay tiyak na maitatapon lamang ang mga ito sa mga lansangan, daanan ng tubig, kanal, tambakan, incinerator at sa dagat.

Sa ilalim ng temang, “Christmasaya kapag walang aksaya,” ipinuntos ni Daniel Alejandre, Zero Waste Campaigner ng EcoWaste Coalition na inaasahang higit pang lalala ang bulto ng maiipong mga basura sa kasagsagan ng pagiging abala na ng mga mamamayan sa pagtungo o

pamimili sa mga pamilihan, shopping mall, fastfood chain, restaurant at selebrasyon sa mga tahanan o establisyamento.

Ayon kay Alejandre, sadyang nakalulungkot aniyang isipin na naging kultura na sa maraming indibidwal ang walang malasakit na maayos na pagtatapon ng kani-kanilang basura na nagiging malalala pa sa panahon kung kailan ipiinagdiriwang ang buwan ng pag-gunita sa pagsilang ng Tagapagligtas na si Hesus.

Inihalimbawa pa ng nasabing campaigner na inaasahang tataas pa ang 0.7 kilo per capita ang makokolektang basura hanggang 1.2 kilo sa mga lugar pa lamang ng Metro Manila.

Ang mga bagay na pinakakaraniwang itinatapon tuwing selebrasyon ng Pasko hanggang Bagong Taon ay kinabibilangan ng mga papel, plastic shopping bag, iba’t ibang uri ng mga packaging material, party wares, plastic beverage, food container, kahon, gamit ng pambalot ng regalo at toneladang mga natirang pagkain.

Gayunman, binigyang-diin ni Alejandre na may pag-asa pa rin para malutas ang krisis sa basura kung totohanang isasagawa ng bawat isa ang sistemang “3R” (Reduce, Reuse at Recycle).

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here