DJ Chacha walang takot na tinawag na puppet si Sen. Bato

0
69

HAHAHA maging si Senador Ronald “Bato” dela Rosa ay hindi nagpaawat at sinagot si DJ Chacha.

May sagot siya kay DJ Chacha hinggil sa kanyang sinabi na loyal siya kay President Rodrigo Duterte.

Pinagre-resign kasi ni DJ Chacha si Bato bilang senador dahil ang loyalty raw niya ay hindi sa taong bayan.

Ani ng DJ (as is): “I suggest mag-resign na dapat sa si Senator Bato sa pagiging senador at mag-apply na Bodyguard ng Presidente total naman ang loyalty niya ay sa Pangulo at hindi sa taong bayan.”

Ang sagot ng senador na lumabas sa Inquirer: “Sabihan mo si DJ Chacha baka ang alam lang niya ay magchacha .”

Sinabi kasi ni Bato na “Mali ba ang maging loyal sa isang duly elected President who is after the welfare of his people and who is willing confront oligarchs who have been bastardazing this country for so long?”

May sagot agad si DJ Chacha sa komento ng senador at ang tapang niya, huh!

“Naniniwala akong mas mahal ni Bato ang Pangulo kaysa sa asawa niya. Nangako pa hanggang kamatayan! Taray! IBA.”

Dugtong pa ng DJ: “Yan ang mahirap kapag mahilig kayong bumoto ng mga pulitikong PUPPET ang role sa gobyerno. Wag kang umasa na marunong silang tumayo at ipaglaban ang tama kase nagfufunction ang utak nila alinsunod sa pinuno nila.”

May pang-iinsulto pa siyang ang susunod daw niyang gagawin sa kanyang vlog ay ang pagbibigay ng tips kung papanong makakuha ng 10 years Multiple US Visa. Para raw ‘di magtantrums ang senador.

Ayaw paawat ang DJ Chacha, mainit talaga ang dugo niya sa senador: “When you’re a public servant and your loyalty is towards a person and not towards the country, ang tawag dyan, TUTA!”

Ang daming um-agree kay DJ Chacha. May “balls’ daw ang DJ at matapang sa kanyang paninindigan.

“I’m with DJ Chacha on this one!”

“Dapat loyalty ng Senador ay sa taong bayan na nagluklok at nagpapasahod sakanya! Meron bang ibang senator na nagsabi nyan? Wag na ipilit ang mali. Kasuka!!!!”

“I love you DJ CHACHA. sinabi mo ang sentiments ng karamihan. Maraming Salamat. Buti pa ito may b*”

Ang ibang netizens ginawang joke ang komento ni Senador Bato.

Anila ang tame ng komento nito. Pagsasayaw lang daw pala ang masasabi.

“Iiyak na ‘yan… iiyak na ‘yan. Bato bato pick! Magsusumbong pa sa tatay digong nya.”

“Si Mr Clean na italian. Yaiks. Let is remind you na Senador ka. Taong bayan naghalal sa iyo. TAONG BAYAN!!” komento naman ng isang netizen.

Very meaningful naman ang komento ng isang guy. “it is always the women who stands up and speaks truth to power. shame on us men who cower at bullies.”

“DJ Cha Cha has the balls!!!”

Napahiya raw si Bato kaya ang rendency ay inaaway si DJ Chacha. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here