DOJ dedesisyunan na ang kaso ng Aegis Juris hazing victim

0
382

NAISUMITE na para sa isang pinal na ‘resolusyon’ ng prosecutors panel mula sa Department of Justice (DOJ) ang kaso ng pagpatay na biktima ng hazing ng mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity na si Horacio ‘Atio’ Castillo III, year law student ng University of Sto. Tomas (UST).

Agad na tinapos ng naturang panel ang preliminary investigation sa isang isang clarificatory hearing sa DOJ na dinaluhan ng mga respondent na miyembro ng Aegis Juris, mga magulang ni Atio, at fratman na si Marc Anthony Ventura.

Sa nasabing pagdinig ay humingi ng paglilinaw ang panel of prosecutors na pinamumunuan ni Assistant State Prosecutor Susan Villanueva kay Ventura kaugnay ng proseso ng recruitment ng nabanggit na fraternity at ang ilang detalye kaugnay ng dinanas na pananakit ni Atio nang ito ay sumailalim sa initiation rites noong Setyembre 17, 2017.

Si Ventura ay nasa ilalim na ng Witness Protection Program (WPP) matapos nitong ilahad ang kanya umanong mga nalalaman tungkol sa naranasang pananakit ni Atio mula sa kamay ng kanyang mga kasama sa kapatiran.

Ang kaso naisampa base sa inilahad na reklamo ng Police District (MPD) at mga magulang ng biktima na paglabag sa Anti-Hazing Law o Republic Act 8049, murder at obstruction of justice laban sa 37 miyembro ng Aegis Juris kabilang si UST Faculty of Civil Law Dean Atty. Nilo Divina.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here