Donita Nose walang sama ng loob kay Willie Revillame, willing bumalik sa ‘Wowowin’

0
592

NAGSALITA si Donita Nose hinggil sa isyu tungkol sa pagbabalik niya bilang co-host ni Willie Revillame sa Wowowin.

Ani Donita: “Nagsabi si Kuya Wil na pahinga raw muna kami kasi gusto niya na bigyan ng magandang episode ang pag-asalto sa mga sundalo na nakipaglaban noon sa giyera sa Marawi. Gusto niya na maramdaman ng mga sundalo at pamilya ng mga biktima ang taus-pusong pagwiwelcome ng Wowowin. Tapos after daw ng episode sa Marawi ay magre-reformat ang show. Tatawagan na lang daw kami uli (referring sa iba pa niyang co-host na sina Sugar Mercado, Ashley Ortega at Ariella Arida).” Sa pagkakaalam naming si Ariella ay pormal na nagpaalam kay Willy.

-Ilang buwan na rin ang lumipas, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabalik ang stand-up comedian. Saad niya, siguro raw prerogative ni Kuya Wil ‘yun. “Ang gusto kasi talaga ni Kuya Wil noon pa mga beauty-queen ang maging co-host niya. Tulad ng mga co-host niya ngayon. Si Sugar nakabalik naman siya.”

Sinabi ni Donita na wala siyang sama ng loob kay Willie. Katunayan nagpapasalamat pa siya dahil sa oportunidad na binigay sa kanya ng TV host. Kapag may sakit daw ang TV host ay sa kanya ipinagkakatiwala ang show. Okey naman daw siya at masaya dahil kung hindi kay Willie ay hindi makikilala ang isang Donita Nose. Lahat daw ng magandang nangyayari sa kanyang career ngayon ay dahil kay Willie.

May communication pa rin daw sila ng WWW host at willing pa rin siyang bumalik kung sakali at pabalikin siya sa show.

Sa ngayon may show pa rin siya sa GMA-7 at kasama siya pati si Super Tekla sa concert ng mga Kapuso artist na sina Derrick Monasterio, Jak Roberto, Dave Bornea at Rocco Nacino sa Oh, BOY! & Oh, LOL! Gaganapin ang show sa Music Museum, Greenhills sa May 18, 8p.m. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here