Home News Report DPWH ibabalik ang P155M sa bayan ng San Antonio, Nueva Ecija

DPWH ibabalik ang P155M sa bayan ng San Antonio, Nueva Ecija

394
0
SHARE

POSIBLENG matuloy ang flood mitigation projects sa San Antonio, Nueva Ecija makaraang magkaroon ng pag-asa na maibalik ang pondo para dito na P155 milyon na tinangkang i-realign mula sa 2017 General Appropriations Act (GAA).

Ito ang pagkukumpirma ni San Antonio Mayor Arvin Salonga matapos ang naganap na paghaharap nila ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Assistant Secretary Robert Bernardo, na inatasan diumano ni Secretary Mark Villar upang magawan ng solusyon ang naging problema.

Ani ng ng alkalde, “Very positive ang naging pag-uusap namin at makakaharap pa natin soon si Sec. Villar”.

Ayon kay Asec. Bernardo, sa dami umano ng trabaho ni Sec. Villar ay hindi na nito alam ang nangyayari sa GAA-funded slope protection dikes na nakatakda sanang gawin sa mga barangay sa San Antonio na ipinalilipat sa ibang proyekto.

Inireklamo pa ni Mayor Salonga ang ginawang alok diumano nina Engineer Ricardo Fernandez, officer-in-charge ng Construction Section, at Serafin Reyes, project inspector ng Planning Section ng DPWH 2nd Engineering, na P30 milyon para sa Luyos flood mitigation project na isasama umano sa 2018 GAA.

Ani pa ng alkalde “hindi raw alam ni Asec. Bernardo at ni Sec. Villar ‘yung mga alok at panunuhol na iyan”.

Ang mahalaga aniya ngayon ay maitutuloy na ang mga nabanggit na proyekto upang maka­iwas sa malawakang pagbaha ang mga residente ng San Antonio.

Samantala, hindi pa tiyak kung iaatras o itutuloy pa ng alkalde ang pagpapa-file ng kasong technical malversation sa mga tauhan ng DPWH na nagtangka umanong suhulan siya.

“Pag-aaralan natin kung itutuloy ang paghahain ng technical malversation cases, after ng pag-uusap namin ni Sec. Villar,” pahayag pa ni Salonga.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here