Drag racing sa San Rafael umarangkada, 30 katao arestado

0
265
Si P/Lt. Col. Ferdinand Germino, bagong talagang hepe ng pulis ng Bayan ng San Rafael, Bulacan habang tinatanong mga naaresto sa iligal na drag racing sa Barangay Coral na Bato, San Rafael, Huwebes ng gabi, Sept. 10, 2020) (Larawan mula sa San Rafael PNP)

SAN RAFAEL, Bulacan-  Naaresto ng mga kagawad ng San Rafael police ang tatlumpong katao habang ang mga ito ay nagsasagawa ng iligal na drag racing sa Barangay Coral na Bato ng nasabing bayan Huwebes ng gabi (Sept. 10).

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas 6:45 ng gabi nang salakayin ng mga pulis ang nasabing lugar matapos na makatanggap ng reklamo na may nagaganap na drag racing sa nasabing barangay.

Agad na tinungo ng mga pulis sa pangunguna ni P/Lt.Col. Ferdinand Germino, hepe ng San Rafael police station ang nasabing lugar at huling huli sa akto ang mga suspek habang nagtatayaan sa kung sino sa mga kalahok sa drag racing ang mananalo.

Kinilala ni Germino ang mga naaresto na sina Kevin Ed Espinosa, Jade Marri Barba, Marcelino Aviles Jr., Jim Jaymie Macapugay, John Lawrence Tablisma, Bharry Francisco, Kristan Ed Espinosa, Reyfrix Quinagan, Irvin Daryll Respicio, Valentino Versoza, Dan Alkroyd Respicio, Angelo Estrañero, John Carlo Patenio, at Jayrhon Estranero.

Kasama rin sa mga naaresto sina Mathew Aviles y Gabriel, Alrey Obado, Allan Basa, Juvelle Lompero, Miles Jhayvic Aviles, Arwin Mabini, Anthony Villaganes, Danilo Cruz, Anthony Gio Cabellon, Vincent Habal, Runiel Enzo Muncal, Ally Mejares, Iverson Banzon, Leo Albert Jinayon, Eric Nebrida pawang mga residente ng Brgy. Minuyan III at Brgy. Tungkong Mangga sa City of San Jose del Monte at si Sherwin Jae Millena ng Brgy. Bigte, Norzagaray.  

Kumpiskado sa nasabing iligal na sugal ang isang Toyota Hi-Ace Commuter Van, Mitsubishi Mirage G4, Mitsubishi Adventure, Toyota Wigo, Yamaha Mio, Yamaha Sniper, Yamaha Nmax at P22,280 na cash.

Mabilis namang nakatakas ang apat na kalalakihan at kasalukuyang pinaghahanap ng mga otoridad.

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9287 (Illegal Gambling) at paglabag sa Sec.9 ng RA 11332. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here