Driver ng SUV patay matapos sumalpok sa trak sa San Rafael

0
1272

SAN RAFAEL, Bulacan — Patay ang driver matapos sumalpok ang minamaneho nitong Sports Utility Vehicle (SUV) sa nakaparadang truck sa gilid ng Bypass Road sakop ng Brgy. Mabalas-balas sa naturang bayan Miyerkules ng tanghali (Jan 15).

Kinilala ang biktima na si Gerardo Maximo, 52 taong gulang at residente ng bayan ng Bustos.

Habang ang drayber ng nakaparadang trailer truck na may plakang CAC 3429 at naglalaman ng mga panghalo sa feeds ay nakilalang si Dem Mark Busalpa, tubong Nueva Ecija.

Sa lakas ng pagkakabangga ay durog ang unahang bahagi ng SUV na Hyundai Santa Fe na may plakang NNI 690.

Ayon kay Rey Villanueva, Municipal Disaster Risk Reduction officer ng San Rafael, inaalam pa nila sa resulta ng imbestigasyon kung nakatulog o nagkaroon ng cardiac arrest ang driver ng naturang SUV.

Biyak umano ang noo ng biktima na siyang dahilan ng agarang pagkamatay nito.

Ayon naman sa pahayag ni Busalpa galing sila ng Guiguinto subalit pagdating nila sa Bypass Road ng San Rafael ay nasira ang minamaneho niyang truck kaya napilitan silang pumarada sa gilid ng highway at nilagyan naglagay ng warning device

Nakadetine sa San Rafael police ang driver ng truck at patuloy ang isinasagawang imbestigasyon. (RONDA BALITA Online)

(Mga kuha ni Jose Erwin Bunag)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here