Home Kakampi Ng Masa Droga sa Bulacan, Talamak pa rin?

Droga sa Bulacan, Talamak pa rin?

328
0
SHARE

Bato-bato sa langit ang tamaan tiyak magagalit

BAKIT po kayahang gang ngayon ay hindi pa rin nasasawata ng ating mga law enforcement ang mga drug users at drug-pushers sa Lalawigan ng Bulacan kahit pa kaliwa’t kanan na ang operation ng One Time Bigtime ng PNP. Ang sagot dyan ni Ka baste ay hindi pa rin daw po kasi nahuhuli ang mga bigtime  supplier ng illegal drugs at tanging ang mga dagang dingding lamang ang nadadapuli ng pinaigting na “Oplan Double Barrel Reloaded”.

Sa pinakahuling Peace and Order Meeting Council, lumilitaw po na halos 60% ng transaksyon ng iligal na droga ay nagaganap umano sa loob ng pmanalalawigan piitan. Kung matatandaan po ninyo, noong nakalipas na taon, may 10 kilo ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Baliwag police na muntik ng magkaroon ng engkwentro sa pagitan ng Bulacan police at National Capital Region (NCRPO) na sila ang naging escort ng umano’y 15 kilos ng shabu.

Bigla na lamang pong naglaho ang balitang ito, kung saan hindi malinaw kung saan napunta ang 5 kilo ng shabu, matapos pumasok sa isang resort sa bayan ng San Rafael. Maraming kuwento ang lumutang kesyo may mataas na opisyal ng gobyerno ang umano’y sangkot sa nabigong deal ng illegal drugs na VIP ang treatments ng mga NCRPO pulis. Malaking katanu ngan po yan, sa ating mga mama mayan? Sa kabila nito may umusbong na kuwento sa lugawan ni Ka baste, na isang opisyal na kawani ng lokal na pamahalaan sa lalawigan ang nasa likod ng pagkawala ng 5 kilong shabu sa isang resort sa bayan ng San rafael.

Sinasabing maimpluwensya ang opisyal na ito dahil kaya nitong magpaligpit ng tao sa kahit anung oras at araw na kanyang naisin. Malupit ang koneksyon nito mga suki, mantakain mo kaya niyang magpapatay ng tao na balakid sa kanyang negosyo particular ang illegal drugs.

Sa mga susunod na episode ng Kakampi ng Masa, unti-unti nating ilalantad ang anyo ng bigtime supplier ng illegal na droga. Abangan… Marahil ang isyung ito ay kunektado sa pagdadala umano ng droga sa Bulacan Provincial, Jail  ahil kamakalian ay ilang bulto rin nang shabu ang nasabat ng mga tauhan ni P/Supt. Heryl “Daguit” Bruno mula sa mga menor-de-edad na ginagamit na “courier” sa pagpapasok ng shabu sa Panlalawigang Piitan ng Bulacan. Na mariin namang itinatanggi ni Ret. Police Supt. Fernando Villanueva, dahil mahigpit daw ang kanilang seguridad sa loob ng bilanguan.

Meaning, kung hindi ito natunugan ng dating opisyal ng pulis, may mga jail guard ang posibleng nasa likod nang patuloy na transaksyon ng droga sa  ilanguan.

Mr. Jail Warden, sir, ang mga menor de edad na nahuli sa follow up operation ng mga tao ni Supt. Bruno ang nagsasabi na sila ang mga nagpapasok umano ng shabu sa loob ng BPJ. Bukod sa abutan ng droga na gagaganap mula sa mga menor de edad, simpleng raket din ng ilang mga leader ng kulungan ang pagkolekta ng malaking halaga pera sa isang inmate na gustong magkaroon ng prebilehiyo na makagamit ng cellphone sa  loob ng nasabing piitan.

Na siya rin umanong ginagamit ng mga kilalang drug-pusher sa loob upang makipag tran sakyon umano sa labas ng kulungan upang patuloy na  akapagbenta ng illegal na droga. Pero labis na nakapagtataka mga suki, madalas may surprise inspection  law ang mga pulis sa loob ng Camp Gen. Alejo Santos sa Bulacan Jail.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here