Home News Report “Drug-Free Home”, inilunsad sa mas maigting na kampanya laban sa droga sa...

“Drug-Free Home”, inilunsad sa mas maigting na kampanya laban sa droga sa ilalim ng Oplan: Golden Shield

492
0
SHARE

SA pagpapanday ng isang mapayapang bayan, kailangan nang seryosong dedikasyon at tapat na layunin, maging sa pagpapatupad ng batas, may kaakibat itong tunay na paglilingkod at pagmamahal sa bayan.

Sa pagpapatupad ni P/Supt. Orlando Castil Jr,, Guiguinto acting chief of police, ng kampanya laban sa iligal na droga, idinaan niya ito sa mas mapayapang approach o “in peaceful means in fighting illegal drug trafficking and abuse”.

Sa paglulunsad kamakailan ng Oplan: Golden Shield, naniniwala si Castil sa importansiya ng relasyon sa pagitan ng pulisya at komunidad.

Pinaigting ng Oplan: Golden Shield ang kampanya laban sa kriminalidad sa bayan ng Guiguinto sa pamamagitan ng mga proyektong Project Call-Text Brigade “Impormasyon at Krimen, Agad i-Bato mo,” “Bola Kaysa Droga” at ang “Drug-Free Home & Drug-Free Establishments”.

Ito ang magsisilbing huling sikad sa pagsagwan ng Oplan: Golden Shield at sa pamamagitan ng mapayapang kampanya na “Drug-Free Home” at “Drug-Free Establishments”, abot-kamay na ng bayan ng Guguinto ang tunay na pagiging ligtas at malaya sa salot na dulot ng iligal na droga.

Kung sa kampanyang “Bola Kaysa Droga” ay sports na basketball ang bitbit ng Guiguinto police sa bawat pagdalaw sa barangay, kung saan ay maglalaro ang mga pulis at mga confessed drug personality na nagboluntaryong sumuko sa nauna nang Oplan: Tokhang.

Ang “Drug-Free Home” at “Drug-Free Establishments” stickers habang ipinapakita ng mga Guiguinto Daycare Workers at si Supt. Orlando Castil Jr.

Dito naman sa “Drug-Free Home” at “Drug-Free Establishments” campaign, kailangan ang kooperasyon ng mga bumubuo ng BADAC kasama yung Auxiliary Teams ng 14 na barangay sa nasabing bayan.

Masusing tinalakay ang bawat purok at cluster ng barangay,  para malaman kung aling bahayan ang drug affected at hindi. At kapag natiyak na drug-free home na o drug-free establishments na ang kabahayan sa barangay, didikitan ito ng drug-free home o establishments stickers.

Layon ng nabanggit na kampanya na dapat maging “aware” ang mga nakatira sa isang bahay kung may kasama siya o kamag-anak na gumagamit ng iligal na droga.

“At sa mas seryosong pagpapaigting ng kampanya o ng Oplan: Golden Shield laban sa iligal na droga, hindi malayong abot-kam

Ang proyektong “Bola Kaysa Droga” ni P/Supt. Orlando Castil Jr., acting chief of police ng Guiguinto, sa ilalim ng “Oplan: Golden Shield”.

ay na nga ng Guiguinto ang pagiging isang bayan na ligtas sa iligal na droga.

Samantala, pinapurihan kamakailan ni Guiguinto Mayor Ambrosio “Boy” Cruz, ang local police sa pamumuno ni P/Supt. Castil dahil sa pagpapatupad ng makatao at mapayapang kampanya laban sa iligal na droga.

Ani pa ng alkalde, “ang kampanyang Oplan: Golden Shield ni Supt. Castil ang magiging susi para sa mas mapayapa at ligtas na bayan ang Guiguinto”.

At bilang pangulo ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) -Bulacan Chapter, kaisa ang mga alkalde sa Bulacan na suportahan ang all-out war ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya matinding ayuda ang ginagawa nila sa kapulisan upang higit pang magtagumpay ang giyera laban sa droga sa lalawigan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here