Drug surrenderee arestado sa Angeles City

0
187
Ang drug surrenderee na si Randy Cabrera Capili (gitna) habang iniimbentaryo ang mga droga at baril na nakuha dito. (Kuha ni Jose Erwin Bunag)

ANGELES CITY — Arestado ang isang lalaking dati nang sumuko sa batas sa inilatag na buy-bust operation sa Brgy. Pulung Cacutud sa nasabing lungsod nitong Huwebes (Feb. 20).

Kinilala ni P/Maj. Ronald Macalino ang suspek na si Randy Cabrera Capili, 50-anyos at isang construction worker.

Nasamsam mula sa suspek ang 11 sachets ng shabu, 1 pakete ng marijuana, Caliber 22 na baril at mga bala.

Giit ng suspek na ipinagbilin lamang sa kaniya ang baril at aminado naman ito na gumagamit ng ilegal na droga. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here