Home National News Dry-run ng HOV Lane sa EDSA, umpisa na 

Dry-run ng HOV Lane sa EDSA, umpisa na 

241
0
SHARE

NAGSIMULA nang ipatupad kahapon (Lunes) ng pamunuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang ensayo ng bagong sistema sa trapiko na tinaguriang “High Occupancy Vehicle Lane (HOV) sa kahabaan ng EDSA (Epifanio Delo Santos Avenue).

Naka-paloob sa HOV Lane na tanging yaong mga sasakyan lamang na may lulan na dalawa o higit pang indibidwal o pasahero na kabilang na ang driver ang maaaring dumaan sa naturang daan, ayon sa pahayag ng tanggapan ng MMDA.

Sa HOV Lane ng mga behikulo ay na tsuper lamang ang naka-sakay. Inihayag ng MMDA na layunin nito na mahikayat ang mga motorist na mag-sakay ng marami pang pasahero upang gumaan ang daloy ng trapiko sa EDSA.

Lumitaw sa report ng MMDA  at Highway Patrol Group (HPG)-PNP na base sa kanilang obserbasyon at pag-aaral na higit 50% ng mga sasakyan ang dumadaan sa EDSA na ang tanging mga driver lamang ang naka-sakay sa mga naglalakbay sa nasabing kalsada.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, humahanap na rin sila ng paraan para malutas ang problema sa sobrang dami ng mga sasakyan na dumaraan bawat araw sa EDSA at aminado ito na sadyang mahirap  mabawasan ang bilang ng mga behikulong dumaraan sa nabanggit na lansangan.

Aniya, ito’y dahil hindi nito kontrolado ang mga isipan at saloobin ng mga malalaking kompanya at indibidwal na mahilig bumili ng mga sasakyan subalit wala namang malasakit sa kapakanan ng nakararamibagkus ay pawang walang mga disiplina sa pagdaraan sa EDSA.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here