Home National News DTI magsasagawa ng Diskwento Caravan sa San Jose Del Monte

DTI magsasagawa ng Diskwento Caravan sa San Jose Del Monte

497
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Magsasagawa ng Diskwento Caravan ang Department of Trade and Industry o DTI sa lungsod ng San Jose Del Monte sa Mayo 24 at 25.

Ayon kay DTI Provincial Director Zorina Aldana, nais nilang maibsan kahit kaunti ang bigat na nararanasan ng mga mamimili sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Aabot sa 30 kumpanya ang nagpa-abot na ng interes na lumahok dito kung saan mabibili ang mga de-kalidad na produkto tulad ng bigas, gatas, kape, sardinas, de lata, sapatos, tsinelas at school uniform.

Tinatayang mula 10 hanggang 50 porsyento mas mababa ang mabiibli rito kumpara sa regular na presyo sa mga palengke. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here