Duterte pinasinayaan ang mga gusali ng paaralan sa Bulacan

0
156
Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang inagurasyon ng dalawang yunit ng apat na palapag na may 24 silid-aralan at isang yunit ng apat na palapag na may 12 silid-aralan na bagong gusaling pamparaalan sa Gregorio Del Pilar High School sa Sta. Ana, Bulakan, Bulacan; habang birtwal na pinangunahan sa pamamagitan ng livestreaming ang paghahawi ng pananda ng apat na yunit ng apat na palapag na may 20 silid-aralan na gusaling pampaaralan sa Virginia Ramirez-Cruz High School sa Siling Bata, Pandi, Bulacan.

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Pinasinayaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pitong gusaling pampaaralan na may 140 silid-aralan sa dalawang bayan sa Bulacan Huwebes ng hapon (March 4).

Personal na dinaluhan ng Pangulo ang inagurasyon ng dalawang yunit ng apat na palapag na may 24 silid-aralan at isang yunit ng apat na palapag na may 12 silid-aralan na bagong gusaling pamparaalan sa Gregorio Del Pilar High School sa Sta. Ana, Bulakan, Bulacan; habang birtwal na pinangunahan sa pamamagitan ng livestreaming ang paghahawi ng pananda ng apat na yunit ng apat na palapag na may 20 silid-aralan na gusaling pampaaralan sa Virginia Ramirez-Cruz High School sa Siling Bata, Pandi, Bulacan.

Siniguro ni Duterte sa mga Bulakenyo na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng kanilang makakaya upang mapabilis ang COVID-19 Vaccination Program at masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral bago ang pagbabalik ng harapang klase.

“I truly appreciate the patience and understanding of the learners, the parents and teachers in your locality. We are hopeful that these newly-built classrooms will provide a more conducive learning environment even as we cope with the new normal,” anang Pangulo.

Sa kanyang bahagi, pinasalamatan ni Gobernador Daniel R. Fernando si Pangulong Duterte para sa kanyang mapanagutang liderato na naging gabay ng mga lokal na opisyal sa paglaban sa pandemya at sa mga suliranin na kaakibat nito.

“Ang mahalagang araw na ito ng pagbubukas ng minamahal nating paaralan ay may hatid na mensahe ng pag-asa para sa ating lahat. Ito ay patunay na narito ang ating pamahalaan, handang manguna at makaagapay natin,” anang gobernador.

Sinamahan si Duterte ng kanyang common-law partner na si Cielito “Honeylet” Avancena, Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, Kalihim ng Department of Public Works and Highways Mark Villar, Department of Education-Central Luzon Regional Director May Eclar, Public School District Supervisor Teresita Alquiza, at iba pang lokal na opisyal ng Bulacan. (RONDA BALITA Online)

Previous articleSecurity Bank, strongest bank in the Philippines 2020
Next articleCentral Luzon cops on their toes as vaccines started to arrive
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here