Home Kakampi Ng Masa E-cigarette o vape, mapanganib ayon sa WHO at DOH

E-cigarette o vape, mapanganib ayon sa WHO at DOH

33
0
SHARE
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

MGA kabayan, taliwas sa ipinakakalat ng mga manufacturer at users na ligtas gamitin ang vapes at e-cigarette, nilinaw ng World Health Organization (WHO) at Department of Health (DOH) na mapanganib sa kalusugan ang paggamit ng mga artificial smokes tulad ng vapes.

Kasabay nito mga ’igan, nagpalabas din ng babala ang nasabing ahensiya sa publiko patungkol sa mga panganib na epekto ng e-cigar at mga produktong gawa sa tabako.

Kaya inilunsad ng WHO ang bagong ICD Codes para sa mga karamdaman na dulot nang paghithit ng E-cigar at vapes.

Ang New International Classification of Disease o ICD 20 code U07.0, ay international tool na gagamitin upang maklasipika at masubaybayan ang naturang sakit, na gagamitin sa pagre-report ng mga pasyenteng tinamaan ng malalang sakit dulot nang paggamit ng e-cigar.

Mahigpit ang tagubilin ni Health Secretary Francisco Duque III, na hindi maaaring gamiting alternatibo ang vapes.

Partikular mga igan, sa sinumang nag-nanais na tumigil sa pagninigarilyo lalo na at inilalagay nito sa panganib ang buhay ng mga gumagamit, at hindi gumagamit lalo na sa mga kabataan.

Base sa datus ng DOH sa Estados Unidos,mayroon ng 1,299 na kaso ng vape-related illness at sa bilang na ito 26 na ang namamatay.

Hinikayat ni Duque ang mga ospital, mga klinika at iba pang health facilities na gamitin ang tamang code sa pagtukoy at pag-suri ng mga kasong may kaugnayan sa vapes at tabako.

Mahalaga rin mga suki, na maipaalam sa mga kanayunan at kanugnuog na lugar na lubhang delikado ang e-cigar at vapes.

Sakaling mapatunayan na marami ng mga Filipino ang tinamaan ng sakit mula sa electronic cigar, dapat ng kumpiskahin o ipasara ang mga tindahan ng mga e-cigar, upang mapigilan ang paglala ng sakit mula sa chemicals na madalas nalalanghap sa mga pampublikong lansangan.

Sa totoo lang mga ’igan, marami sa mga adult ay nakararanas ng pagka-hilo dahil sa masangsang na amoy nang usok mula sa vapes,at e-cigar.

Kung ang mga adult,nahihilo eh paano pa kaya ang mga paslit o mga bata na makakalahap nito.

Attn:sa mga LGUs,dapat imonitor ang talamak na bentahan ng E-Cigar at Vapes sa ibat-ibang mga lugar.

Para sa inyong mga reklamo at reaksyon mag send lamang sa thony.arcenal@gmail.com. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here