Eagle Cement patuloy ang pagtulong sa 3rd District ng Bulacan

0
128
An opinion column by Louie C. Angeles

HINDI matatawaran ang ginagawang pagtulong ng Eagle Cement sa pamumuno ni Ginoong John Paul L. Ang, President at Chief Executive Officer sa mga Bulakenyo mula sa ikatlong distrito.

Ito ang pangunahing adhikain ng kumpanya, ang tumulong sa pamahalaang bayan ng San Ildefonso, San Rafael, Doña Remedios Trinidad, San Miguel at Angat.

Hindi lamang ngayong panahon ng pandemya tumulong ang naturang kompanya ng semento kundi noon pa nang sila ay magkaroon ng planta sa bayan ng San Ildefonso. Naging prayoridad ng pamunuan ng Eagle Cement na maging manggagawa sa kanilang kumpanya ang mamamayan ng naturang bayan.

Nagkaloob din ang Eagle Cement ng mga silid paaralan sa pampublikong paaralan sa naturang bayan dahil sa patuloy na paglaki ng populasyon ng batang mag-aaral sa bayan ng San Ildefonso.

Bukod sa pagtatayo ng mga silid paaralan, patuloy ang kanilang pagbibigay ng livelihood training program sa mamamayan at scholarship program at iba pang proyektong pangkabuyan.

Maging ngayong panahon ng pandemya ay patuloy ang kanilang pagbibigay ng ayuda sa mga lokal na pamahalaan sa limang bayan sa ikatlong distrito ng lalawigan.

Lalo na nitong nakaraang bagyong Ulysses kung saan ay maraming napinsalang mga gusali kabilang na ang chapel sa bayan ng Doña Remedios Trinidad, ay agad nagpadala ng tulong ang nasabing kompanya.

Tinulungan ng Eagle Cement na muling makumpuni ang naturang chapel na ngayon ay maaari nang magamit ng mga mamamayan at makapagdaos na muli ng misa.

Labis ang pasasalamat ni Rev. Fr. Nap Baltazar sa kabutihang ginawa ng pamunuan ng Eagle Cement sa pangunguna ni Ginoong John Paul L. Ang at Ms. Annaline Buizon na agad na tumugon sa pagsasaayos ng nasabing chapel.

Ang ganitong pagtulong ng anumang kompanya sa mga mamamayan ang labis na binibigyan ng STRIKER ng papuri sa labis nilang pagpapahalaga sa komunidad lalo na sa mga nangangailangan sa bayan ng San Ildefonso at sa mga karatig bayan sa ikatlong distrito. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here