Home News Report Early Childhood Care and Development kit, ipinamahagi

Early Childhood Care and Development kit, ipinamahagi

514
0
SHARE

PRAYORIDAD sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Christian D. Natividad ang edukasyon dahil pangarap niya na makatapos ng pag-aaral ang mga kabataang Malolenyo dahil sa paniniwala na ang karunungan ay kayamanan at walang sinuman ang makapagnanakaw nito.

Kamakailan, ipinamahagi ng Pamahalaang Lungsod ang Early Childhood Care and Development o ECCD program kit mula sa Bottom Up Budgeting (BUB) project.

Gamit ang pondo mula sa BUB project ng lungsod, naipamahagi ang mga ECCD kit materials sa 51 sakop na barangay, na may 58 day care centers o Child Development Centers, na sa kabuuan naman ay may 55 child development workers.

Umabot sa humigit 1.4 million pesos ang halaga ng mga naipamahaging kit materials. Ang bawat barangay ay tumanggap ng mga manipulative materials gaya ng wooden alphabet, mayroon ring classroom supplies, mga laruan at musical instruments, maging mga babasahing aklat para sa mga bata, at samu’t-saring school supplies.

Gaya ng pagpapahalaga ng lungsod sa mga bata, ipinadama rin sa mga guro ang kanilang malaking importansya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga lapel microphones upang mas mapadali ang kanilang pagtuturo.

Gayundin ang kanilang mga maaaring suotin sa oras ng kanilang pagbibigay-dunong sa mga bata tulad ng t-shirts, jogging pants at payong, bilang kanila namang proteksyon sa araw at ulan.

Ipinahayag naman ni Gng. Lolita Santos, hepe ng CSWD, na sa ika-8 ng Setyembre, Biyernes, sa ganap na alas-diyes ng umaga, gaganapin ang blessing ng GNK (Gulong ng Karunungan) Project na kaloob ng PhilSeven Foundation.

Ang GNK ay nagbigay ng 2 van o multi-cabs na naglalaman ng mga babasahin, mga gamit at nag-uumapaw na karunungan para sa mga bata.

Ang isang van ay iikot sa pamilihang-bayan. Ang pangunahing target ng unang van ay ang mga batang anak ng mga nagtitinda na umiikot-ikot lamang sa palengke. Layunin nito na ibaling ang atensyon ng mga batang ito sa edukasyon.

Habang ang ikalawang van naman ay ipadadala sa Brgy. Longos na siyang may pinakamaraming populasyon ng mga batang edad ay 3 taon.

Sa kabuuan, magkakaroon ang dakilang lungsod ng 60 Child Development Centers na inaasahang pakikinabangan ng matagal na panahon at magpapatibay sa kasiguraduhan ng magandang kinabukasan para sa mga kabataang Malolenyo.

SHARE
Previous articleGemini Remedies Downloads
Next article“Mr. Pure Energy”, pahahatawin ang mga Bulakenyo sa libreng konsiyerto
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here