Home National News ‘Ease of Doing Business Act o RA 11032,’ nilagdaan na

‘Ease of Doing Business Act o RA 11032,’ nilagdaan na

260
0
SHARE

NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang RA 11032, kung saan isa si Bulacan 1st District Cong. Jose Antonio “Kuya” R. Sy-Alvarado sa mga pangunahing may akda ng House Bill 6579 o An Act Establishing A National Policy on Ease of Doing Business, Creating for the Purpose the Ease of Doing Business Commission, and for other purposes.

Layon na nasabing batas ang matulungan ang mga nagnanais magnegosyo na mapabilis ang transaksyon sa National Government Agencies at sa mga Local Government Units.

Cong. Alvarado kasama ang mga congressmen at senators na sumaksi sa naging paglagda ng Pangulo sa naturang batas kamakailan na isinagawa sa Malacañang.

Sisimplihan din ng naturang batas hindi lamang ang proseso kundi ang mga rekisito sa lahat ng sistema sa pagkuha ng permit para makapag-negosyo. Inamyendahan din nito ang umiiral na Republic Act 9485 o ang Anti-Red Tape Act of 2007 na ang mga ahensiya ng pamahalaan, kasama ang mga government owned and controlled corporation (GOCC), ay kinakailangang makapagproseso ng mga simpleng transaksiyon hanggang tatlong araw na may trabaho na lamang. Pitong araw sa mas malalaking transaksiyon habang 20 araw sa mga highly technical na transaksiyon.

Oobligahin din ng RA 11032 ang lahat ng mga pamahalaang lokal na magkaroon na ng iisa o unified business application form mula sa mas pinaigsing proseso ng pagkuha ng business permit, clearance at iba pang uri ng otorisasyon. Dapat may partikular na espasyo para sa One-Stop Shop ang bawat munisipyo at mga city halls.

Nililikha rin ng Republic Act 11032 ang pagkakaroon ng Philippine Business Databank na magbibigay ng mga napapanahon at klarong mga datos kaugnay ng pagnenegosyo. Habang ang bubuuing Central Business Portal ay siyang tatanggap at kukuha ng mga application data sa lahat ng business-related transactions. May kasamang ulat ang PIA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here