ECQ violator nanaksak sa loob ng brgy. hall sa San Ildefonso

0
584

SAN ILDEFONSO, Bulacan — Arestado ang 27 anyos na lalaki dahil sa paglabag sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) at sa pananaksak ng Barangay Peacekeeping Action Teams ( BPATs) secretary sa loob mismo ng barangay hall sa nabanggit na bayan nu’ng Martes (March 31).

Kinilala ang suspek na si Laimark Culala habang ang biktima ay si Pedro Caluag Jr,33 may asawa,aktibong BPATs secretary ng Brgy.Telapatio ng naturang bayan.

Ayon sa report na nakarating kay Bulacan acting Police Director Col.Lawrence Cajipe, dinala si Culala ng mga tanod sa Brgy.Telapatio dahil sa paglabag sa ECQ.

Habang isinusulat ng tanod sa blotter book ang insidente ay kinumpronta ng suspek ang biktimang si Caluag hanggang sa nagkaroon nang mainitang pagtatalo.

Bigla umanong bumunot si Culala sa kanyang baywang ng kitchen knife hanggang sa undayan si Caluag at tamaan sa kaliwang braso.

Agad na inaresto ng mga kasapi ng BPATs at mabilis naman naisugod si Caluag sa San Miguel District Hospital para sa kanyang tinamong sugat.

Nahaharap sa kasong Frustraited Homicide, Direct Assault Upon Agent Person ang suspek. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here