Home Showbiz Eddie Garcia huling nasilayan sa 35th PMPC Star Awards for Movies

Eddie Garcia huling nasilayan sa 35th PMPC Star Awards for Movies

47
0
SHARE
Ang batikang aktor na si Eddie Garcia habang tumatanggap ng award bilang “Ang Natatanging Artista Ng Siglo” sa 35th PMPC Star Awards for Movies kamakailan.

HINDI lang ang industriya kundi ang buong sambayanan ay nagdadalamhati sa pagpanaw ng movie icon na si Tito Eddie ‘Manoy’ Garcia nu’ng June 20 ng hapon. Namatay si Tito Eddie sa edad 90. Madaling araw ng June 21 ay agad na-cremate ang batikang actor.

Ilang araw ding naratay ang batikang actor bago siya nalagutan ng hininga.

Dahil sa pagkakapatid sa kable nu’ng nagti-taping ng ‘Rosang Agimat’ para sa GMA-7 ang naging dahilan ng pagkakaratay ni Tito Eddie.

Maging ang Malacanang at senado nagluluksa sa pagpanaw ng pinakamahusay na artista ng industriya.

On behalf of Malacanang, si Presidential Spokesperson na si Salvador Panelo ay kinilala ng Palasyo ang mga naibahagi ni Tito Eddie sa industriya. Nagbigay din sila ng tribute at honor sa legacy ng nasabing batikang actor.

“His immense contributions were nonpareil for he was the only Filipino inducted in three categories in the FAMAS Hall of Fame as Best Actor, Best Supporting Actor, and Best Director by far.

“It is a heartbreaking loss for the entertainment industry, which he dearly loved.”

Maging si VP Leni Robredo ay taus-pusong nakikiramay sa pamilya ni Tito Eddie na kapwa niya Bicolano na isa sa pillar ng entertainment industry.

Ani VP sa kanyang tweet: “Lubos akong nakikiramay sa pamilya at mahal sa buhay ng isang kapwa taga-Bicol, si Manoy Eddie Garcia, isa sa ating haligi ng industriya ng telebisyon at pelikula.

“Hindi matatawaran ang kaniyang ambag sa sining, na nag-iwan ng marka ng kahusayan na walang kinikilalang panahon.”

Si Tito Eddie ay huling nasilayan sa entablado ng bigyan siya ng award sa 35th PMPC Star Awards For Movies nu’ng June 2, 2019 na ginanap sa Resorts World Manila.

Personal niyang tinanggap ang special award na kaloob ng Philippine Movie Press Club bilang “Ang Natatanging Artista Ng Siglo.”

Bago pumanaw ang nag-iisang Manoy ng industriya nanalo pa siyang Best Actor para sa Urian Award para sa MNL. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleBulacan journalists intimidated by civilian armed man
Next articleWillie Revillame, nag-aaral bilang piloto!
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here