Home News In Photo Edukasyon malaki ang ambag sa kaunlaran — Mayor Jessie P. De Jesus

Edukasyon malaki ang ambag sa kaunlaran — Mayor Jessie P. De Jesus

460
0
SHARE

NANINIWALA si Calumpit Mayor Jessie P. De Jesus na malaki ang ambag ng edukasyon para maging maunlad ang isang bayan at ito ang magiging pasaporte ng isang indibidwal para sa magandang kinabukasan lalong higit yung mga salat sa pantustos sa pag-aaral.

Tinanggap ng alkalde kamakailan ang 80 slots para sa full scholarship ng mga kababayang mahihirap subalit nais at karapat-dapat na mag-aral at makatapos ng sekondarya sa pampublikong paaralan.

Ang tulong sa pag-aaral sa mga piling Calumpiteño ay mula sa kagandahang loob ng Siam Cement Group-United Pulp and Paper Company, Inc. (SCG-UPPC) na 10 taon ng tumutulong sa pag-aaral ng mga kabataan.

Ang mga kabataang Calumpiteño na magiging benepisaryo ng nasabing scholarship ay dumaan sa masusing pagsala at pagpili ng management and staff ng UPPC.

Ang pagpapatunay ay personal na iniabot kay Mayor De Jesus ng mga matataas na opisyales mula sa Thailand Ambassador to the Philippines H.E. Thanatip Upatising, UPPC President and CEO Wichan Charoenkitsupat at Country Director Khun Phaskorn Buranawit.

Ginanap ang programa na may kaakibat na temang, “SCG Sharing the Dream 2017” sa Asian Center Auditorium, University of the Philippines, Diliman, Quezon City kamakailan.

Sa taong ito, nadagdagan ng sampu (10) scholarship grant ang dating 70 slots na tutulungan ng nabanggit na kompanya.

Sa panahon ng pamamahala ni Mayor Jessie De Jesus, mapalad na napabilang ang bayan ng Calumpit sa magagandang pribelihiyong ito na bunga ng mabuting ugnayan, respeto at matapat na paglilingkod sa kapakanan ng nakararaming Calumpiteno.

SHARE
Previous articlePDDG Mendez pinangunahan ang pagpapasinaya ng bagong bulding ng San Miguel police
Next articlePre Medical Studies Through Education
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin Editor-in-Chief An ex-seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City, and graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the Aquinas University of Legaspi City. But landed in Journalism. A former Journal Group of Pub lication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) PT staffer for 17 years, simultaneously contributed to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group provincial correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here