Home National News Ekonomiya ng Bulacan, lalong lumakas sa gitna ng laban sa droga —...

Ekonomiya ng Bulacan, lalong lumakas sa gitna ng laban sa droga — DTI

94
0
SHARE
Sa ginanap na Kapehan with Media Partners ng Department of Trade and Industry (DTI)-Bulacan, ipinaliwanag ni DTI Provincial Director Zorina Aldana na walang negatibong epekto sa Ekonomiya ng Bulacan ang naging ulat ng Amnesty International na 'pinamadugong lalawigan ang Bulacan' sa laban kontra iligal na droga nga administrasyong Duterte. (PIA Bulacan photo)

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Nananatiling matatag at lalong lumalakas ang ekonomiya ng Bulacan sa kabila ng pahayag ng Amnesty International, na ang lalawigan ang umano’y ‘pinakamadugong lugar’ sa Pilipinas sa giyera kontra sa iligal na droga ng administrasyong Duterte.

Iyan ang pinanindigan ng Department of Trade and Industry (DTI)-Bulacan sa ginanap na Kapehan with Media Partners sa lungsod na ito. Ayon kay DTI Provincial Director Zorina Aldana, hindi iniinda ng mga negosyante at mamumuhunan ang pahayag ng Amnesty International.

“Kami sa DTI bilang economic agency, walang negative impact ito kasi kung tatanungin ang mga negosyante, ok sa kanila ang war on drugs, hindi dahil may mga namamatay kundi security na rin iyon sa kanilang business.” aniya

Ayon pa kay Aldana, nakapagtala ang Bulacan ng P92 bilyong bagong pamumuhunan noong 2018 ayon sa Board of Investments (BOI). Patuloy din ang pagdami ng mga nagbubukas na bagong negosyo, kaya’t sunud-sunod naman ang pagbubukas ng mga Negosyo Center sa bawat bayan sa lalawigan, na ngayo’y nasa 15 na. Ito ang pasilidad kung saan nagpaparehistro ng Business Name.

Katunayan, ngayon pa lamang na nangangalahati ang taong 2019, mahigit 6000 na mga bagong negosyo ang nabuksan at nairehistro sa mga Negosyo Center. Mula naman noong taong 2015 hanggang sa kasalukuyan, aabot na sa mahigit na 40,000 mga bagong negosyo ang nabuksan sa Bulacan

Nagbunsod ito dahil masiglang masigila ang industriya ng Real Estate, Renewable Energy at construction sa Bulacan. “Continuous ang development. We are part of the Build-Build-Build projects. Nandiyan kitang kita ngayon ang construction ng North-South Commuter Railways (NSCR) at narinig ko ang ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na i-fast track ang Malolos-Clark Airport segment. At positive na itong paggawa ng New Manila International Airport sa Bulakan,” ani Aldana.

Kaugnay nito, dahil sa mga positibong paglago sa ekonomiya ng Bulacan, ipinahayag din ng DTI na nakapag-ambag nang malaki ang lalawigan sa natamong 7.1% paglago ng ekonomiya ng gitnang Luzon.

Samantala, binigyang diin pa ni Aldana na “of course if you are not from Bulacan, if you are not from the Philippines, hindi mo maiintindihan ang war on drugs. If you are foreign investor who wants to invest in Bulacan, of course malakas ang impact ng media na sasabihin ‘bloodiest killing field’. Pero hindi ganoon ang sitwasyon sa Bulacan. Very very positive ang growth natin dito.”

Source: PIA

SHARE
Previous articlePRO3 all set for Duterte’s 4th SONA
Next articleProblema ng tubig, quarry at edukasyon prayoridad sa Pandi
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here