Ella Cruz ’di personal na natanggap ang tropeo dahil hindi imbitado

0
53

NANGHIHINAYANG si Ella Cruz dahil hindi niya personal na natanggap ang tropeong napanalunan bilang Best Supporting Actress sa Cinemalaya kamakailan.

Ayon sa petite actress hindi raw niya ini-expect na mananalo siya pagkatapos ng sampung taon niyang pamamalagi sa showbiz.

May nakarating na sitsit sa amin na kaya raw hindi nakadalo ang young actress dahil hindi naman daw siya naimbitahan ng nasabing award giving body.

Paglalahad ni Ella, nu’ng i-offer daw sa kanya ang role sa Edward ay nagdalawang-isip pa niyang tanggapin.

Pero very thankful daw siya kina direk Bb. Joyce Bernal, Direk Thop Nazareno, at Boss Vic del Rosario dahil sa pagtitiwalang binigay sa kanya ang character ni Agnes.

“First time ko na magkaroon ng ganitong role and first time ko na maging part ng Cinemalaya, at ito ang naging biyaya sa akin,” ayon sa batang actress.

Dagdag pa nito na hindi ko po talaga ine-expect ang award na ‘to.

“Para maparangalan ako nang ganito ay sobrang laking bagay dahil, finally, nakita ko yung mga pinaghihirapan ko at nagbunga nang maganda. Parang may nagsabi sa akin na, ‘Uy, isa ka nang ganap na tunay na aktres,” ang acceptance speech ni Ella na dinaan niya sa kanyang social media. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here