Ellen Adarna ‘I was stuck in blackhole’

0
132

ANG daming nagtatanong kay Ellen Adarna kung bakit siya nag-undergo for mental training.

May pinagdadaanan daw ba siya na hindi na kaya ng kanyang isipan?

Sinagot ni Ellen sa kanyang socmed ang tanong ng mga netizens.

Aniya, may pinagdaaanan daw siyang depression.

“I was ‘stuck in blackhole’ for nearly 3 years.”

Nagpatingin daw siya sa doctor at binigyan ng anti-depressants, pero hindi umubra sa kanya.

Aniya sa kanyang socmed account, “to everyone asking, i did mental training coz i was stuck in this black hole for almost 3 years.

“My anti depressants didnt do me any good, it made me immobile and numb.

“I was getting weaker mentally and emotionally — something had to be done.”

Kaya nagdesisyon daw siyang pumunta ng Bali. Indonesia para doon mag-mental training ng 14 na araw.

“i was isolated for one week no phone no contact with the outside world.

“This is a one on one training. 14 days straight. 14 days vegetarian,” pagbabahagi pa ni Ellen.

Tanong tuloy ng isang netizen, ang ‘nearly 3 years’ daw bang ‘yun na na-stuck siya sa blackhole ay nu’ng time na magkarelasyon sila ni John Lloyd Cruz?

Just asking lang daw po ang netizen, at wala siyang ibig sabihin.

Hmmm… pati tuloy kami ay napaisip. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here