Ellen Adarna nagbebenta ng mga branded footwear

0
74

PINOST ni Ellen Adarna ang kanyang mga branded na sapatos para i-online selling.

Mga collected shoes ng kung ilang taon niyang inalagaan na mula sa European designer brands tulad ng Marni, Bottega Veneta, Guiseppe Zanotti, Lanvin, Manolo Blahnik, Alexandre Birman, Yves Saint Laurent at Prada ang binebenta ng sexy actress.

Ang sizes ng mga footwear ay 36 hanggang 37 na ang prices ay nagmumula sa P2K hanggang P13K.

Merong sandals, boots, wedges at heels ang mga collected footwears.

Sayang walang magkasya sa akin kasi size ng paa ko ay nasa 8 or 9. Type ko pa naman yung Prada sandals o kaya yung flat shoes na Manolo Blahnik.

Ayon sa mga netizens, okey lang naman daw na ibenta ni Ellen ang mga mamahaling sapin sa paa para makatulong sa kanyang kapwa. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here