Ellen, ‘John’ pa rin ang ipinalit kay John Lloyd

0
53

ANG akala ng mga netizens ay matagal pang magbabalik sa showbiz si Ellen Adarna.

Lagi kasi nitong sinasabi sa kanyang social media account na stop muna siya sa showbiz dahil pagtutuunan daw niya nang mabuti ang pagpapalaki sa anak nila ni John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.

Sabi pa nga niya after seven years saka siya muling haharap sa camera.
Pero, kinain ni Ellen ang kanyang sinabi.

May gagawin silang sitcom ni John Estrada sa TV5, ang John en Ellen.
Komento ng mga netizens sa balik-showbiz ng sexy actress.

“Another John… hehehe..”

“Exactly my thoughts! LOL”

May nagsasabing mag-tito na sina John at Ellen at nakakatawa daw ba naman sila?

“Hmmm…siguro kung pareho silang magbibisaya dahil kung Bisaya ang dialogue nila mas masayang pakinggan”

Pinuna naman ng isang netizen ang sinabi noon ni Ellen.

“Parang di naman nag-retire, more like tsinugi dahil nasira ang buong show at career ni jlc”

Maganda at sexy si Ellen, di raw kaya mabighani ang actor sa actress.
“knowing john, mkksecret crush yan kay Ellen.”

“After 7 years pa daw babalik. Ambilis naman ng 7 years. Wala lang sigurong offer noon.”

“Oo nga. Kinain niya yung sinabi niya noon na ayaw na niyang mag artista. At if ever na babalik man siya sa pagiging artista, after 7 yrs daw pagmalaki laki na yung anak niya.” (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here