Home Striker Empleyado ng Kapitolyo ng Bulacan, peke ang diploma?

Empleyado ng Kapitolyo ng Bulacan, peke ang diploma?

238
0
SHARE
An opinion column by Louie C. Angeles

SOBRANG lakas naman ng loob ng isang empleyado ng Kapitolyo sa lalawigan ng Bulacan na gumamit ng pekeng diploma. Ano ba yan!

Kung mayroong isang empleyado na humihingi ng tulong sa isang kolehiyo na kung paano siya matutulungan ng naturang paaralan na maging legit ang kanyang diploma. Isa lamang ang sinabi ng registrar ng kolehiyo, ala kami magagawa dyan at dapat legal kang mag-aral.

Ilan nga kaya sa mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ang may ganitong kaso na fake ang diploma. Aba! Bakit mukhang nalulusutan ang taga-HR Department ng ganitong empleyado na fake ang diploma.

Dahil ba tauhan ng Gobernador at Bise Gobernador ang naturang empleyado? Naku! Ibang usapan ang ganitong problema ng pamemeke ng dokumento na maaring ikatanggal sa trabaho at kasong administratibo ang maaring kaparusahan sa ganitong kawatan sa Provincial Capitol.

Hindi pala nag-iimbestiga ang taga-HR Department kung tunay bang nakapag-tapos sa kolehiyo ang nag-aplay para maging empleyado sa Kapitolyo.

Tila hindi na mawawala ang ganitong paggamit ng pekeng diploma o anumang dokumento na nabibili lamang sa Recto, Manila. At sadyang nakalulungkot ang ganitong gawain ng ilang kawatan na manloloko sa kanilang papasukan ng trabaho.

Ano naman kaya ang gagawin ng HR Department chief kapag napatunayan nila na peke ang diploma ng isang kawani sa Pamahalaang Panlalawigan?

Attention: Civil Service Commissioner Atty. Aileen Lizada, sana ay mabigyan pansin ang isang empleyado ng Provincial Capitol na fake ang diploma na ginamit sa pag apply ng trabaho sa kapitolyo.

Para sa anumang sumbong na kahalintulad na panloloko. Magtxt o tumawag po sa STRIKER sa 0922-653-0774. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here