Epekto ng pagbabago sa tax ng mga manggagawa, pinag-aaralan DOLE 

0
721

BUMUO na ng technical working group ang Department of Labor and Employment (DOLE) upang pag-aralan ang mga posibleng epekto ng panukalang pagbabago sa tax sa kita ng mga manggagawa sa bansa.

Ang naturang grupo ang magsasagawa ng konsultasyon, pulong, focus group discussion at iba pang kahalintulad na aktibidad upang kumalap ng rekomendasyon at panukala mula sa mga eksperto at iba’t ibang sektor patungkol sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act na tinatalakay sa Senado.

Sa pamamagitan ng Administrative Order No. 460 ni Labor Secretary Silvestre Bello III na TWG ang mangungana sa  mga konsultasyon sa iba’t ibang labor group at mga employer, at maging sa mga eksperto sa akademya at ekonomiya.

Ayon kasi sa Department of Finance, layon ng  Senate Bill No. 1409 o TRAIN na magbigay ng benepisyo sa 99 porsiyento ng Pilipino sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang naiuuwing kita dahil na rin sa pagbaba ng kanilang tax at mabigyan sila ng social protection tulad ng programang cash transfer para sa mga mahihirap.

Nakasaad sa naturang batas na exempted ang P150,000 na annual taxable income ng mga manggagawa at maging sa P82,000 tax exemption para naman sa 13th month pay at iba pang bonus.

Itinatakda rin nito ang pinakamataas na karagdagang tax exemption na P100,000 para sa mga mayroong apat na dependent.

Magbibigay ito ng tinatayang P25,000 na tax-free na buwanang kita sa isang manggagawang mayroong apat na dependent.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here