Erich, wa care kung second choice sa bago niyang teleserye

0
49

PANIBAGONG challenging role ang kinakaharap ni Erich Gonzales sa kanyang susunod na teleserye ang La Vida Lena.

Two years ago ang huling serye ni Erich, ang The Blood Sisters.

Tatlong katauhan ang pinortray niya sa nasabing serye bilang triplets.

Now that she’s comeback via LVL, kakaibang role naman ang kanyang gagampanan.

Ibinahagi ng actress kung bakit niya tinanggap ang role kahit mayroon pang pandemya.

Aniya: “It’s a good project, it’s a good story, good cast, plus the two directors pa — direk Jerry Lopez Sineneng and direk Jojo Saguin. Besides, alam ko na maraming magkakaroon ng work kapag ginawa ko itong ‘La Vida Lena.’

“I remember noong first taping day pa lang, may mga lumalapit, nagpapasalamat na ginawa natin itong show na ito.”

Buwan ng October nang i-anunsyo ng Dreamscape Entertainment na may bagong teleserye si Erich.

Ang nasabing serye ay original na si Ivana Alawi ang gaganap.

Nag-beg off ang sexy-actress kahit launching project niya ang teleserye.

Ang rason ni Ivana ay sa lock-in taping which is ang original title ay Ang Lihim Ni Ligaya.

Esplika ng Unit Head ng Dreamscape, “We told Love Capulong, the manager-handler of Erich the real story why supposedly, it’s the ‘Lihim ni Ligaya with Ivana Alawi.’ But Ivana kasi opted not to shoot anymore kasi natatakot pa siya.

“With that, nagkaroon kami ng changes with the story, with the actors. Ang daming binago. Nagkaroon kami ng adjustments.

“Good thing Erich accepted it kasi iba din naman siya as an actress. For that reason, nag iba din yung iikutan ng kwento.”

Ang mga actors na makakasama ni Erich sa LVL ay sina Carlo Aquino, JC de Vera at Kit Thompsons, ang guy na makakabuntis sa kanya.  

“It is my first time to work with these three actors in a teleserye. But like what I’ve been saying, lahat po ng mga kasama ko dito magaan, very professional and tulong tulong kami dito,” sambit ng Kapamilya actress.

 Nakasuporta ang mga mahuhusay na artista –Janice De Belen, Agot Isidro, Raymond Bagatsing, ang nagbabalik na si Sofia Andres, Christian Vasquez, Pen Medina, Ruby Ruiz, Soliman Cruz, Malou Crisologo, Josh Ivan Morales, Hasna Cabral, Danica Ontengco, at Renshi De Guzman.

Streaming na ang La Vida Lena sa iWant TFC app (iOs and Android) at sa iwanttfc.com. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here