Home News Report Espenido sa Iloilo!

Espenido sa Iloilo!

210
0
SHARE

KINUMPIRMA ni mismong Pangulong Rodrigo R. Duterte ang pagtatalaga kay Chief Inspector Jovie Espenido sa Iloilo City na minsan ng inilarawan ng Pangulo na “most shabulized”  city sa bansa.

Ang re-assignment ng magiting na pulis ay isinagawa ni Duterte sa kanyang mensahe sa paggunita ng Araw ng mga Bayani.

“Your next assignment is Iloilo,” ito ang eksaktong sinabi ng Pangulo kay Espenido.

Si Espenido ang hepe ng pulis ng Albuera ng ang alkalde dito na si Rolando Espinosa Sr. ay inaresto sa Leyte sa kasong may kinalaman sa droga at sa huli ay napatay sa isang police operation sa loob ng kanyang detention cell sa Baybay City, Leyte noong November 2016.

Makaraan ng madugong pangyayari sa Albuera, Leyte, si Espenido ay inilipat sa Ozamiz City noong Diyembre 2016. Matapos ang ilang buwan, naptay si Mayor Reynaldo Parajinog at 15 iba pa sa isang drug raid.

Inaasahangmay mamamatay na naman umanong alkalde na sangkot sa iligal na droga sa probinsiya ng Iloilo kaya dun siya inilagay ng Pangulong Duterte.

SHARE
Previous articleANG MAGANDANG BUKAS AY PARATING NA…
Next articleProblem Solving Paper Writing Measures
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here