Home National News Estudyante, napugutan matapos masagasaan ng tren sa Laguna

Estudyante, napugutan matapos masagasaan ng tren sa Laguna

58
0
SHARE

CABUYAO CITY, Laguna — Kalunos-lunos ang sinapit ng isang kolehiyala na napugutan matapos siyang masagasaan ng tren ng PNR sa nabanggit na lungsod nitong Huwebes ng umaga (Nov. 8).

Kinilala ang 17-anyos na biktima na si Sofia Jully Postanes.

Base sa imbestigasyon ng pulis, kabababa lang ni Postanes ng tricycle at tumawid sa riles sa Barangay Banay-banay nang mahagip ng tren.

Sinasabing may suot na headset ang biktima nang mangyari ang insidente kaya posibleng hindi raw narinig ng biktima ang paparating na tren.

Nag-abot na ng pakikiramay ang pamunuan ng PNR sa pamilya ng biktima at magbibigay din umano sila ng financial assistance.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring insidente.

Source: GMA News

SHARE
Previous article197 new police recruits in Central Luzon take oath
Next articleFilipino church vies for federal historic monument status
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here