Home Featured Story Exposure ng mga bata sa gadgets, posibleng magdulot ng ‘speech delay’

Exposure ng mga bata sa gadgets, posibleng magdulot ng ‘speech delay’

16
0
SHARE

MAAARING maging sanhi ng “speech delay” sa mga bata ang sobrang exposure nila sa gadgets kagaya ng mga cellphone at tablet, ayon sa mga eksperto ng Philippine Association of Speech Pathologists (PASP).

Ipinaliwanag ng isang speech-language therapist na “one-way” lang ang nakukuhang komunikasyon ng bata pagdating sa mga gadget.

“Children learn by exploring their world. They explore it through their senses. Ngayon, ‘yang gadget, hindi ‘yan totoong mundo,” sabi ni Rosanna Angeles.

Ayon sa PASP, dapat daw ay iwasan na ma-engganyo ang mga bata sa gadgets, lalo na ang mga batang edad dalawa pababa.

Dapat rin daw ay parating kinakausap ang mga anak mula sa pagkasanggol pa lang, lalo na sa mga edad na anim na buwan hanggang sa isang-taong-gulang.

Dito raw kasi ang tinatawag na “language spurt” o ang panahon kung kailan malaki ang development sa pagsasalita.

Payo rin ng mga esperto, iwasan ang paggamit sa gadget sa mga batang mas bata sa 18 buwan, maliban sa pag-video chat.

Para sa mga magulang na gustong ipakilala ang digital media sa kanilang anak na 18 buwan hanggang dalawang taon, dapat raw ay pumili ng quality programming at ipaliwanag sa mga bata ang kanilang pinanonood.

Para naman sa mga batang dalawa hanggang limang taon, dapat raw limitahan ang screen time sa isang oras sa isang araw sa mga “high quality” program.

Ikinuwento ng isang ina ang mga napansin niyang mga pagbabago sa kaniyang anak na gumagamit ng gadget kahit pa educational video ang pinanonood nito.

“Kaunti pa lang ‘yung words, hindi pa siya masyadong nag-ta-try mag-salita and parang the eye contact, I was losing it,” sabi ni Amanda Nograles-Santiago.

“The pedia said ‘has he been exposed to gadgets?’ Sabi ko ‘oo,’ Sabi niya tanggalin daw ‘yon kasi, apparently, their brains are not yet mature enough or they’re not yet wired to process that kind of stimulation from media and from the gadgets,” dagdag niya.

Ayon sa magulang, malaki raw ang ipinakitang improvement ng bata matapos nilang limitahan ang paggamit niya ng gadget.

Paliwanag ni Angeles: “Nothing can replace you talking with your child. Nababasa rin niya ‘yung mukha mo, ‘yung expression mo — all of these things. You need to be able to communicate.”

Source: GMA News

SHARE
Previous articleMalolos nagtamo ng 4 na parangal mula sa DSWD Region III
Next articleLumads condemn Ocampo, 18 others for trafficking
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here