Factory worker natagpuang patay sa Subic, may 38 na saksak

0
171

SUBIC, Zambales — Isang 30-anyos na babae ang natagpuan wala nang buhay at tadtad ng saksak ang buong katawan sa nabanggit na bayan nu’ng Miyerkules (Aug. 21)

Batay sa ulat ng pulisya, 38 saksak sa katawan kabilang ang isa sa pisngi ang natamo ng biktima na si Carmela Catindig, isang factory worker sa Subic Bay Freeport Zone.

Pinuntahan daw ito ng kaniyang mga kapitbahay matapos mabigong pumasok sa trabaho pero wala nang buhay si Catindig ng datnan.

Hubo’t hubad din daw ang biktima nang matagpuan sa kaniyang kama.

Nag-iisa lang ang biktima sa bahay nang mangyari ang krimen.

Pagnanakaw ang tinitingnang motibo sa krimen dahil nawawala umano ang cellphone at alahas ng biktima.

Source: ABS-CBN News

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here